Martes, Nobyembre 23, 2010

pramis, hindi ako nangongopya *ngisi*

putang ina lang talaga pag naaalala ko nung nag-aaral pa ako sa kolehiyo.
Sa kolehiyong yon bawal ang kopyahan pero okey lang ang lagpakan. halimaw ka pag naka-uno ka kahit sa isang subject lang at insignificant ang mga ganung occurence sa academe. hayup kung naka-uno ka. natural lang na bumagsak. pero taboo ang kopyahan.

molecular biology. potang ina. isa sa mga pinakaaayaw kong subject. alam ko na may malaking kinalaman ang DNA sa tao. pero para ituro ng hinayupak kong titser ang kahalagahan ng bawat strand ng DNA e sobra na ata yon. Guapo ako. at may magandang genes, tapos! Walang ng tsitsiburiching ganyan.

Dumating ang eksam. at lahat ng santo e natawag ko na. Pero wala man lang nagtext back. shet. Nilunok ko na  ang pride ko. ang kaliitliitang pride na natitira sa katawan ko.

Nagtangka akong mangopya. Pero kung swertehin ka nga naman, nakatabi ko ang isa sa mga may pinakapanget na penmanship sa klase. hindi ko alam kung steno nga ba ang subject namin nung araw na yon o molecular bio. Asar talo.

So ganun, hindi ko kayang mangopya lalo na kung resemblance ng mukha nung nagpapakopya sa penmanship nya. maswerte nga lang talaga. At hindi ko kayang tiisin ang amoy nya. Nakakakiliti ng ilong.

bumagsak ako sa eksam na yon. pero natutuwa ako. bakit? dahil buong klase ay hindi nakapasa. swertehan lang talaga.

“There's nothing to winning, really. That is, if you happen to be blessed with a keen eye, an agile mind, and no scruples whatsoever.” -Alfred Hitchcock

7 komento:

Pong ayon kay ...

peyborit ko ang molbio subject ko nung college kasi bs bio ako hehehe
mukhang interesante ang buhay kolehiyo mo po mangpoldo.

di din ako naka-uno na flat pero di ako halimaw hihihi
tama yun bawal mangopya hahaha

nahirapan lang ako na subject ay Genetics kasi yung mga method na hybrid, di-hybrid, criss-cross wala lang loser lang ako nun hahaha
salamat po pala sa pagdaan sa blog ko add ko po kayo sa link ko

eloiski ayon kay ...

mangpoldo... iniisip ko talag kung sino ang angpodong to. datihang blogger at himalang napadpad sa blog ko. ohkamown! thewho?

anyways, hindi naman bawal magkopyahan eh. ang bawal kapag nahuli ka!

hoy! ano ba dating url mo? anoo???

Jepoy ayon kay ...

salamat sa pag daan sa akong tirahan.

Gusto kong pag aralan ang mga DNA kaso walang time. LOL

Athena ayon kay ...

kahit saan nmnang skol bawal ang mangopya.. hehehe... ako pa.
pag hirap na tlga ako bhala na si batman mangongopya ako.. pero minsan ko lng nmn gingawa eh.. hehehhe
like ko yung mga post mo...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

mang poldo, mano po.:))

buti pa sa high school, kapag may mga test, nagbbrainstorming ang mga magkakatabe.hahaha

-pusagandanglahi.:3

Joyo ayon kay ...

hmmm... hindi masamang mangopya siguraduhin tama nga lang sana ang kinokopya... ang dami ko rin naalala hahaha!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

minsan, nakakagulat ang mga tawag sa subject ng college lalo pa't hindi yun ang field ng course mo. gaya ko, hindi ko na yata maalala mga subject ko.hehehe.

ang mangopya at magpakopya. ito yata ang kulturang hindi maaaring hindi pagdaanan ng isang estudyante sa buhay nya isang pagkakataon man o higit pa. wala namang ganun kalaking impact, kung hindi ka mahuhuli habang nasa eskwelahan.

sa totoong buhay sa labas ng eskwela, kapag nadala ito ng tao, nawawalan sya ng pansariling karangalan na pwede nyang ipagmalaki (sa kanyang sarili)

napadaan lang po at magandang araw!