Tahimik akong nakikinig sa radio ng selpon ko ng makita ko ang hindi dapat makita ng isang tulad ko. Sinipat kong muli ng tingin kong totoo nga. Hindi ako nagkamali. Tumagilid ako upang pag-isipan kung anong reaksyon ang aking gagawin. Ngisi.
Lagot na, walang pakialam ang mamang 'to. Paano ko sasabihin. Nakakaawang nakakainis, naaawa ako dahil baka hindi lang ngisi ang makukuha nya pag nakita ng iba, nakakainis dahil 'di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya. Bahala na.
Kinig pa rin ako sa radio ko pero hindi ko maiwasan mag-isip kung anong gagawin ko. Sasabihin ko kaya? O magpapasawalang bahala na. Nyeta naman oh.
Bahala na...
Nilabas ko ang selpon ko at unti unting tinutok ang lente ng camera sa kanya. Plak!
Good luck na lang pagbaba mo kuya.
6 (na) komento:
hihihihi. sobra pa nga ginawa mo eh ksi pinikchuran mo p tlga...
baka may lumabas na paniki o grupo ng mga balang. yikes
Baka alam niyang bukas, tinatakpan niya ng bag e. O baka rin sa sobrang sanay na yan, nakalimot na.
Ako madalas masira bumutas pantalon ko sa school, hilig ko kasing bumukaka ng bumukaka. Pero dead'ma na lang ako, naka-brief naman e.
:D
nakalipad na...lol
ang linaw ng camera phone mo pre. anong model 'yan? hehe.
kailangan talaga may ebidensya? hahaha
Mag-post ng isang Komento