hindi ako natuloy ng baguio. sa kadahilanang sumakit na ang tuhod ko, nangawit ampucha. so dumertso na lang ako ng zambales. okay ang view parang california lang habang binabagtas ko ang highway. alas dos na nung narating ko ang mismong bayan ng olongapo. kumain ako sa isang fast food chain. Okay solb solb na.
nagtanong ako sa guwardiya kung saan may malapit na beach. ah marami dyan sir nagkalat.ilang taon po ba ang tipo nyo? ha? dyan lang po merong mga beerhouse. ay sir beeeaach po ang hanap ko hindi bitch. hahahaha.pasensya na bossing.akala ko bitch na pokpok. umalis na ako. nag-init ang ulo ko. anong akala nya sa akin babaero?
tinawagan ko yong kaibigan kong gala. sa san felipe daw ang may magandang view habang nasa long drive ka. pumayag naman ako. nagpagas muna ako sa olongapo bago ko binaybay patungong san felipe
gumagana na yong gps. turn right 500 meters ahead.turn left 200 meters ahead. potang ina iba na ata to.naeengkanto na ata ako.panu magkakaroon ng kaliwang daan at kanang daan kung straight line lang naman. muli akong nagdasal. pero hindi pwedeng nakapikit. murmur.
nung narating ko na yong san felipe nagtanong tanong ako kung san ang may pinakamalapit na resort. pinuntahana ko. meron naman kaso hindi kasing bongga ng mga resort na napuntahan ko.simple lang.
dun na ako nagpalipas ng gabi. hindi na ako naligo sa dagat , malamig at baka ako'y mapasma. uminom na lang ako ng beer. lakad lakad. pumulutan ng seafoods at tumungga nang tumungga. tumungga nang tumungga. tumungga ng tumungga.
nagising na lang ako kinaumagahan sa lamig ng aircon.nagulat ako nang makita kong nakabrip lang ako.isang napakalaking tanong kung sinong nagdala sa akin sa kwarto ko. anarchy. confusion. chaos. joskolord ano tong pinaggagawa ko. at bakit nakabrip na lang ako. anooooooong nangyari? hindi ko maalala.
agad akong tumungo sa nagbabantay at agad binayaran ang bill ko. hindi na ako nagtanong kung sinong nagdala sa akin sa kuwarto ko. agad agad na akong umalis.
nung nasa gate na ako nakita kong papalapit sa akin yong isang dalaga.mali isang binatilyo pala.pinagbuksan ko naman ng bintana. sir tiga-manila ho pa pala kayo? nagtaka ako. ngumiti sya na parang kabayo. napakameaningful ng mga ngiting yun na dun ko lang nakita sa tana ng buhay ko. pinagmasdan ko sya mula ulo hangang paa. cross dresser si totoy.
hindi kaya nakalambat ako ng sirena? joskolord wag naman po sana.
3 komento:
yay!
hala cge tungga pa ng tungga..
iskeyri...
wala ka talaga maremember na something-something..
mygawd! hahahahaha
sorry..
charge to experience na lang..
maka-gps ka kase...
hahaha. sge tumunga ka pa ng tumunga.. sa susnod nyan reyna nila ang mabingwit mo.. hihihi
hahaha loko ka ng poldo ka, daig mo pa napasma. buti na lang nagkaamnesia ka kung hindi kalahating kabayo at kalahating isda ang nalambat ng alaala mo. lol
-livingstain
Mag-post ng isang Komento