"bahala ka na dyan sa kusina" tanging yun lang ang nasambit ko para otomatikong maintindihan ni manang kung anong ibig sabihin ko. at sa mga ganung klase ng litanya alam kong naintindihan na nya. sya na ang bahalang magluto ng ulam nang ayon sa kung anong meron at sa kung anong kaya nya.
kinuha ko si manang bilang tagapaglaba. hindi para sa kusina. ang totoo nyan e dapat katulong ( verb ito. tagapagbigay ng tulong.) ko sya sa paglalaba at hindi kusinera. responsibilidad ko ang sarili kong pagkain. ako ang magluluto, in short akong bahala sa pagkain ko...yun ang napagkasunduan namin dati. pero dahil may anak syang balahura este makulit e nagpapaluto na lang ako at sabay na lang kaming kumakain ni letlet, sunod si manang.
punyeta ang habang intro!
ganito yon. wala ako sa mood para kumain. so sabi ko bahala na sya kung anong iluto nya. pumasok lang ako sa kwarto ko para manood ng tv. hindi po porn. hindi po porn. hindi po porn. hindi po porn. hindi po po--. hindi po--- hindi--. hin--. (repeat until it fades)
kumuha lang ako kanina ng biskwit at orange juice saka pumasok sa kwarto.
siguro habang naglalaba sya e iniisip na rin nya kung anong lulutin nya. at eto na nga.
hindi ako maarte. sasabihin ko na hindi ako maarte. alam mo yong omelet na ampalaya, may konting kamatis at itlog...syempre omelet nga di ba? yun yong niluto nya. okey ako sa kamatis. okey din ako sa itlog. ang hindi lang kayang arukin ng taste buds ko e yong ampalaya. lalo na kung masyadong mapait. ewan ko ba, hindi para sa akin ang bitter lalo na ang mga taong bitter.hindi gulay sa akin ang ampalaya kundi deadly weapon,hahaha---yun ang arte.
ang hindi pag kain ng ampalaya ay hindi kaartehan, bilang paglilinaw. kasi may pagkain naman na kinaaayawan mo o di-kinahihiligan na pwedeng gusto ng panlasa ko. tama? trip trip lang, in short.
pagsapit ng tanghalian...ummm nito-nito lang. kita ko sa lamesa ang niluto nya. kung tutuusin marami akong pwede ulamin pero nakakahiya naman kung babalewalain ko yong effort ng taon. saka isa pa, nasa recession ang buong kabahayan. mahal ang gulay ngayon. at naghihikahos na din ako. kaya konting pagtitipid. kita ko agad yong ampalaya sa mesa, ume-smile pa.
so ano pa nga ba ang gagawin ko. pilit kong inihihiwalay yong itlog sa ampalaya. at nung sinubukan ko nang kainin yong buong putahe. putang ina on its highest exponential value,all the way to heaven...ang paiiiiiit! uminom agad ako ng orange juice pero mas lalong pumait. putang ina ulit!
kung andun lang siguro si vincent van gogh hindi nya maipipinta yong mukha ko. kahit ilang buhos ng patak ng maggi savor e hindi malibsan yong lasa ng ampalaya. may aftertaste pa.
pumasok si mamang sa kusina. may tabo pa sa ulo.
"ano ser... masarap ba? hapkok yan para masustansya" bungad nya.
kaya naman pala. kelan pa hinahalf-cook ang ampalaya? buwisittttttttttttt!
smile lang ako. yong smile na punumpuno ng kabitteran sa mundo.
5 komento:
haha may pinagdadaanan...
lolz.
dapat pineapple juice 'lo.
may hinanakit mang poldo ah. LOL. Pero totoo yang, nakakasira ng araw pag di mo gusto ang pagkain.
half-cook pa. syet. ayoko din ng ampalaya kasi di matanggal ang pait... kahit damihan ng itlog o ibang rekados. pero nakakaya ko naman minsan. minsan.
bitterness ang post na ito. na kasalanan ng amo. hindi ni letlet. hindi rin lalo ng nanay niya.
magdusa ka.
nyaahaha! bitterness ka ryan.
Mag-post ng isang Komento