Oct. 09. Sunday. 7pm.
may bespidida party na dadaluhan ang inyong lingkod. ura-urada lang. yong tipong hihilahin ka na lang kasi kulang ng guest at sayang naman yong food kaya ikaw ang napili ng magaling mong boss. at dahil sa wala naman akong ginagawa nung tumawag sya e umo-oo na lang ako.
magsuot daw ako ng pormal. putang ina sa lahat ng bespidida party e bakit may kelangang magcomply sa attire? hindi ba pwedeng jeans at tshirt na lang. wala akong choice. maarte yong boss ko kaya pinili ko na lang sundin yong utos nya.
habang nasa byahe ako tumawag sya. mauna na daw ako at dadaanan daw nya si luchi sandali. okey..okey.. okey... yun lang ang nasabi ko.
imperness sa edsa, sa mga ganitong oras e akala ko heavy traffic. pinagpala ata ako at maluwang ang kalsada kasing luwang ng bunganga ni luchi, kaya naman madali kong narating ang hotel kung saan pagdadausan yong party.
suot ko ang puting polo, black pants at black shoes saka muling tumingin sa salamin, tiningnan ang ayos ng buhok..okey! panalo! ayos na ayos to. sana madaming chiks. lumabas na ako ng cr, oooops dapat pala eh wash room daw ang tawag for formality ang appropriateness. ewan!
paglabas na paglabas ko...isang babaeng nakapulang dress ang pumukaw ng aking atensyon. mga nasa early 20's. seksi. maputi. mala-anne curtis. nagkatinginan kami. ngumiti ako at ganun din sya. hawak nya ang isang kopetang may alak. alam mo yong tagpong parang ang buong paligid e sa amin lang, yong parang humihinto ang lahat ng pangyayari at kami lang pareho ang remarkable sa mismong tagpong yun. yong feeling na parang sya lang at ako tapos hinahangin hangin pa yong buhok nya at ako naman e unti unting palapit sa kanya dala ang makamandag na ngiti. yon! yong ganung feeling. sa edad kong to hindi ko maitatangging kinilig ang betlogs ko. siguro ganun din sya kasi ramdam ko sa kanyang mga ngiting maalindog.
unti-unti akong lumalapit sa pinakaroroonan nya. malamig sa pakiramdam at animoy nasa isang paraiso kami pareho. ako si adan ay sya si eba. tapos yong boss ko yong ahas. hahaha. anyway, ganun nga yong pakiramdam ko. napakagandang babae nya. hindi maitatangging dyosa sya sa aking paningin.
biglang bumilis ang mga pangyayari. fast forward. lumapit ako sa kanya. ngumiti lang sya. at nagwikang...
"waiter! can you bring an extra glass over here!"
pak! as in pak! para akong nabuhusan ng malamig na tubig. pumaitaas yong dugo ko. naramdaman ko yong init ng aking katawan. literal na init.
shit! napagkamalan akong waiter sa suot ko! putang ina! putang ina!( sa isip isip ko.) akala ko gusto na akong kausapin yun pala uutasan lang din! putang inaaaaaaa! (sa isip isip ko)
ngumiti lang ako. saka tumalikod. hindi ko alam kung tama yong ginawa ko pero kung mali man yon, kwits lang.
saktong pagtalikod ko nang masilayan ko yong ahas este yong boss ko kasama yong isang linta---si luchi. agad akong lumapit.
"ay sir poldo bakit ganyan ang suot mo... walang pinagkaiba sa suot ng mga waiters (sabay turo sa kanila). walang ka-disti-distinction! hahahahaha" panlalait nya sabay tawa.
at biglang nagshrink yong confidence level ko.
3 komento:
Aw! nakakapang-init ng ulo nga yan.
haha shet... although hindi naman masama mapagkamalang waiter dahil marangal na trabaho yun. walang dapat ika-offend...
HAHAHAHAHAHHAHAHAH! very sad. dahil lang sa damit. Pero mas oks na yun kesa maranasan mong maging kakulay ng damit mo yung Table cloth. LOL
Mag-post ng isang Komento