maaga akong nagising kanina. walang pasok. maaliwalas ang umaga. tahimik ang buong kabahayan. wala pang masyadong tao sa labas. nakabukas ang radyo habang himihigop ng isang tasang mainit na kape, isang tipikal na umaga para sa isang tulad ko.
habang pinagmamasdan ko ang labas ng bahay biglang pumasok si letlet, patakbong tumungo sa akin.
"mang poldo! mang poldo! good morning umaga sa yo! "
napangiti ako. "morning na nga, may umaga pa."
naupo sya sa tabi ko.
alam mo napanaginipan kita mang poldo.
talaga? anong napanaginipan mo? numero ba? lika dali tayaan natin sa lotto baka sakaling manalo!
eeeeehhhh hindeeeee kaya! basta napaniginipan kita kasama mo daw ako pumunta tayong megamall.
anong ginawa natin dun?
syempre nag-shopping!
o tapos? anyareh?
nung pauwi na daw tayo, nasa train na tayo (read: MRT) nang bigla kang hilain sa akin ng mga tao. lumalaban ka pa nga daw e. nagulat ako kasi bigla bigla ka na lang hinila nung magbukas yong pinto. kaso malalakas yong mga tao kasi malalaki yong katawan nila di tulad mo (nanlait pa?) tapos ayun... sumarado na yong pinto. ako naman iyak ng iyak. lakas nga ng iyak ko e.
nung parteng yon napangiti ako. answeet talaga ni letlet. pramis hindi ko mapigilang mapangiti. yong tipong ngiti abot gang tenga.
tinuloy nya ang kwento.
...nasa loob ka na nun ng tren at paalis na. ako iyak pa rin ng iyak. malakas na malakas na iyak yong parang pinapalo ako ni mama.
naku malakas nga yong iyak na yon, parang kinakatay na baboy. eh bakit ka ba naiiyak? kasi mawawala na ako?
HINDI!!! naipit po kasi yong kamay ko sa pintuan ng tren. ansakit sakit kaya. nangitim na nga yong kuko.
TOINKS!!! LECHENG BATA.
Ansarap buhusan ng mainit na kape yong bata. akala ko sweet. demonyita pa rin talaga.
Sabado, Agosto 20, 2011
Huwebes, Agosto 18, 2011
datkilab
pag gusto ko ng sinigang nagpapaluto ako kay manang. pero di ko alam kung bungol sya o sadyang kinapos ang pang-unawa nya, lang niluluto kasi nya e nilaga. minsan lang naman.
sasabihin ko mamang gusto ko ng sinigang, oramismo maya-maya lang nasa hapagkainan na yong nilaga. pag sinabi ko namang mamang gusto ko ng nilaga ganun din otomatik na maghahain ng sinigang. hindi ko alam kung diverse mag-isip o inversely proportional lang ang hypothalamus nya o may mali lang sa sistema ng katawan nya, pero understood naman.
minsan naisipan kong magpaluto ng menudo, alam mo kung ano ginawa? nagpatugtog ng mga kanta ng menudo kaya pala kung makahalungkat sa cabinet ng mga casette tapes napakawagas! tapos sinabayan pa nya ng sayaw at kanta. buset!
minsan natatawa na lang ako. pero ganun pa man...
happy birthday manang!

Linggo, Agosto 14, 2011
sino kaya sya
dumaan ako ng opisina kanina. naiwan ko kasi yong charger ng buwakinang telepono ko. ayoko sana kaso maghapon naman magiging lobat yong buwakinang teleponong yan.
nasa 21st floor yong opisina.mag isa lang ako...sa buong floor. although alam kong may mga nagroronda na guwardiya pero nung panahong yon eh busy ata kakakamot ng betlogs nila. andaming thoughts akong naiisip, what if totoo nga yong balibalita na may whitelady sa kabilang office, what if totoo nga yong babaeng umiiyak, what if totoo yong babaeng may itim na belo pero wala naman daw ulo, what if totoo nga yong kwentong may kumakalabog sa cr ng mga babae whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!! pero ayoko maniwala dun kasi nasa urban place ako at nasa 21st floor tapos may ganung kwento, weeeeh?
so para mahinto ako sa mga ganung thoughts nagisip ako ng happy thoughs. happy. happy. happy. pero hindi ko pa rin maialis nang tuluyan.naiisip ko kasi yong babae nakikipaglaro ng jack n poy pero wala naman syang ulo.shet.
agad agad akong umalis. kitang kita sa cctv kung irereview yong galaw ko. taranta at aligagang makalabas agad. nasa labas na ako ng opisina namin nang may biglang tumunog. tunog ng elevator. ting!
ayos! may kasama ako! its either papasok sya sa opisina or kasabay ko syang palabas sakay sa elevator. pero atleast magkikita kami sa pasilyo. agad kong ni-lock ang office. saka dali daling umalis. mga 10 seconds din yun.
nung pagdating ko sa pasilyo o hallway, oo tama nga na bukas pa rin yong elevator at may pumindot nung down button pero laking pagtataka ko kung sino yong lumabas kasi wala naman akong naririnig na kumakalampag sa kabilang office para magbukas ng kanilang pinto. nagsimula na akong magpanic. pero okey lang. sabi nga nila...meynteyn! i maintained to be cool as possible kahit may mga butil butil na ng pawis sa noo. at sa aking pagtataka nakabukas pa rin ang elevator. hindi pa sumasara. bago ako pumasok tinanaw ko muna kung may tao nga, wala akong makita. madilim sa parehong opisina na posibleng papasukan nung tao. eh bakit ganun nakared yong button meaning may pumindot.
still, naging cool pa rin ako. cool. cool. cool. the moment na pagpasok ko ng elevator eh saka naman nagsara, para bang ako lang yung hinihintay. agad agad kong pinindot ang ground. nag iisip ako kung bakit nangyayari sa akin to. hindi to totoooooooo sabi ng utak ko, malaking coaccident este coincidence lang to.
nung nasa elavator na ako. ang init ng pakiramdam ko pero anlamig lamig sa loob. napalakas ata ang aircon kako. inayos ko na lang yong sarili ko. pilit pinapanatag ang sarili. nung nasa ground floor na agad akong lumabas. tumungo sa sekyu na nakatoka, tinanong ko sya kung may pumasok ba sa 21st floor maliban sa akin.wala naman daw. hehehe sa totoo lang natakot na ako. alas sais na kasi yun ng hapon. at sa ganung oras di ko mapigilang mag-isip ng kung anu ano.
nung nasa labas na ako ng building saka ko lang naalala na linggo pala ngayon, mahina ang aircon sa elevator pag ganun o dili kaya e pinapatay.eh ano yong lamig na naramdaman ko? hala. pero hayan ko na, nakalabas na ako. tapos nang napansin kong naiwan ko yong plastic kong dala. potaaaah! kako. naiwan ko dun yong charger ng telepono ko. shet. shet. shet to its nth exponent level.
kunyari nagdalawang isip pa ako kung babalikan ko pa ba or hindi pero mabilis ang instinct ko na wag na lang daw baka daw kasi magtaka yong guard kung ano ano ang binabalik balikan ko. haha.
goodluck to me baby!

Sabado, Agosto 13, 2011
hindi ko kinaya
tatlo lang kaming pumasok nung araw na yon, sabado e. may kelangan kaming report na matapos. si tim yong baklang account executive, yong boss kong binudburon ng finesse sa katawan at sino pa nga ba kundi ako.
tahimik ang buong opisina. kanya kanya ng trabaho kanya kanyang toka. abala akong gumagawa ng report nang may marinig ako.
oh my gosh, oh my gosh!!!!!!!!!!!!!! sigaw ni bakla.nasa stock room sya ng opisina para kumuha sana ng dish washing paste.
nagulat ako sa sigaw nya syempre.as in gulat na gulat, sa ganung sitwasyong di mo mapipigilang mag-isip ng di masama, its either natumba sya or natabunan ng mga basang basahan.nagising ang adrenaline ko sa sigaw nya. potah.!pero patay malisya lang ako.pakshet istorbo!
yong boss ko ang aligagang pumasok sa stock room. the moment na pagpihit nya ng door knob napasigaw din ang hitad....
what da fuck! what da fuck! alingawngaw ng bibig ng boss kong cultured kung ituring ng marami,hehe. atleast sosyal pa rin ang pagmura nya, what da fuck!?!
right there and then e agad akong tumayo. nag ala-superman ako! ala night in shining armor. syempre pagkakataon ko na para magpakitang gilas. naaamoy ko ang victory! naamoy ko ang endless thank you! buwahahahaha. pumasok ako ng stock room. pakshet nagulat ako.
anlaking daga, nagulat ako kung pano na lang nag-evolve ang ganitong klaseng peste. halos kasing laki ng pusa. as in. gusto kong magsisigaw din bilang anticipation sa nangyayari at sense of belonging na rin sa dalawa. kaso ang OA naman di ba? patay na yong daga. as in wala nang buhay.
nagulat lang daw sila kung bakit panong nakapasok sa stock room yong daga. sabi ko natural sa pinto.hindi umimik yong dalawa, pinandilatan pa ako ng mata ni tim. inutusan akong ibalot sa plastic at itapon sa garbage.
sinunod ko naman. naghanap ng plastic. kumuha ng broomstick at saka dust span. medyo mabigat syang buhatin gamit ang dustpan kaya sa gitna ng hawak ng hood ng dustpan ako humawak.pinakatitigan ko yong daga kung paanong namatay. bukas yong mata. mahaba yong balbas.ngayon lang ako nakakita ng daga sa urbanidad. mukhang sosyalin. mamumula mula ang paa. nagpafoot spa kaya? hindi ganun kaitiman, tama lang.
saktong ilalagay ko na nang biglang gumalaw yong putang inang daga. nagulat. nataranta. natakot. at gusto kong magmura...potang inaaaaaaaaaaaah! syempre ano ba nga bang ginawa ko e tao lang din ako. sumigaw lang ako, slight lang naman. pramis. shock to death ang lintek.
ending? nalutas ang kaso ng mga taga pest control.

Miyerkules, Agosto 10, 2011
how to cook the dummy 101.
o edi ito na naman. kinati ang pwet ko para maisipang magluto.may napanood kasi ako dati sa potang inang 10-minute coooking show blah blah blah na yan but in reality parang hindi naman.kulang yong sampung minuto.maraming factor.maganda yong konsepto pero parang malayo sa katotohanan.okey okey mabalik tayo, so edi nagluto ako ng soup.sinisipon kasi ako that time so kelangan ko ng mainit na soup. at pag sinabing mainit na soup dapat ako yong magluluto talaga para alam kong mainit nga. :D narito ang paraan ng pagluluto gusto kong ishare sa inyo.
ingredients:
sotanghon
sardinas na puti. kung sosyal ka mackerel ang tawag.
pepper.
onion.
garlic.
ginger.
1 tangkay ng celery.
asin.
mantika.
tv.
at konting skills sa pagluluto
samahan mo na rin ng konting dasal.
lahat maliban sa huling tatlong nabanggit e nabili ko lang sa sari sari store ni aleng nena, mura lang may libreng tsismis pa. minsan nga libre na yong bawang basta kindat kindat lang.
paraan ng pagluto. syempre pag sinabing bawang, sibuyas at luya isa lang ang patutunguhan nyan I-GISA. pano? dyan papasok ang role ng mantika. magsimula nang magdasal. unahin ang bawang, isunod ang sibuyas at higit sa lahat wag kalilimutang balatan. pag nagisa na. buksan ang lata ng sardinas. pakuluan ng mga 15 minuto sa dalawang tasa ng tubig. habang hinihintay ang 15 minutes pigilan ang sarili sa kakabukas ng takip. nawawala ang aroma. sa puntong ito kabilin bilinang wag bubuksan ang takip ng wala pa sa itinakdang oras. again pigilan ang sarili. wag kang masyadong excited. magdasal ka na lang na nasa tama ang ginagawa mo at tama ang pinapagawa ko sayo. hahahaha.
habang naghihintay buksan ang tv. yes kasama talaga to sa recipe. manood ng face to face. masaya sya pramis. bakit ko to sinasabi? para magkaroon ka ng ideya kung pano mo bubugbugin ang magsasabing di masarap ang luto mo. kung hindi mo trip manood. patayin na lang. sayang ang kuryente, maraming batang hindi kumakain? hahaha.
para naman maging worth waiting ang paghihintay sa 15 minutes. hiwain ang celery nang ayun sa takbo ng stock market. kung hindi mo alam hiwain nang ayun sa kaartehan sa katawan. kung walang arte sa wankata hiwain ng maliliit. kung walang celery at kung ayaw mong kumain ng celery pwede na ang onion springs. again muling magdasal, sana magwork.
add salt and pepper (dont forget to spring some on your shoulder for good luck, naks) ayun sa yong panlasa.
fast forward. ilagay na ngayon yong binabad na sotanghon. isunod ang celery kasabay ng pinitpit na luya. isabay mo na rin yong mga frustrations mo sa buhay. bitterness at daldalera mong kapitbahay. muling takpan sa loob ng 5 minuto. another round for pray.
pag kumulo na. optional kung kakainin mo agad. kung patay gutom ka, go lantakan na! kung may konting finesse ka pa sa katawan ihango ang noodles para hindi iabsorb ng noodles yong soup. i-serve ng magkahiwalay. higupin ang soup. ipakain sa aso yong noodles. joke. wag kalilimutang mag-usal ng dasal bago kumain.
yun lang. salamat.

alam ko sasabihin mo asan yong soup. nakalimutan ko kasing ihango. kaya naabsorb ng lintek na noodles yong sabaw. pero im thinking din na baka masyadong talipandas at malikot yong water molecules ng soup kaya tumakas. nag-evaporate.
enjoy! this post is brought to you by magic sarap.
Huwebes, Agosto 4, 2011
talaga?!?
kausap ko yong kapitbahay kong daldalera. nakita nya kasi akong inaayos yong halamanan sa harap ng bahay para di malunod dahil sa sobrang buhos ng ulan.
mamita ang tawag ng marami sa kanya. isa syang kilalang sidewalk vendor sa palengke. halos dalawang dekada na sya sa kanyang trabaho pero nakikipaghabulan pa rin sya sa mga nanghuhuli sa palengke.
sa kanya ako bumibili ng tawas at ng mothballs.
mamita: anlakas lakas ng ulan. kahit gustuhin kong maglako wala rin atang bibili.
MP: magtinda ka na lang ng mainit na sopas saka champorado, naku bibenta yon.
mamita: ayoko, masyadong matrabaho. saka malulugi ako pag nagkahabulan na.malulugi ako nun.
MP: oo nga.
mamita: nanganak pa naman si julie kahapon, yong panganay ko. kelangan ko ng pera.
MP: yong panganay mo? e di ba nag-aaaral pa yon sa high school?
mamita: oo, maagang naglandi ang gaga. hahahaha. (sabay tawa)
MP: (nagtaka, wala namang nakakatawa sa sinabi nya, ikinatuwa nya?) ano ang anak?
mamita: okey naman. (ayan na, ikinagulo na ng utak nya ang kanyang pagtawa)
MP: babae ba? o lalaki?
mamita: lalaki. ang kyut kyut nga e.ang liit liit ng mukha.(sabay ngiti)
MP: ????
biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.
mamita: yun nga ang problema ko e, kung saan ako kukuha ng pambayad sa hospital.
MP: yong ama ng bata, wala bang trabaho?
mamita: naku yong ama ng bata mahirap lang yun.
MP: maka-mahirap ka naman dyan parang ang yaman mo.
mamita: (sabay tawa ng malakas)
narinig ni manang yong tawa ni mamita. papalapit bitbit ang isang tabo at timba.
mamita: uy kumare anjan ka pala. nanganak na yong inaanak mong si jennifer. putragis ang guapo ng bata.
manang: (over excitement) ay talaga!!!! anong anak, lalaki ba o babae? ilang buwan na?!?
.....
....
...
..
mamita: si kumare talaga, mahilig magbiro!
hay naku manang adik ka talaga.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)