Martes, Nobyembre 30, 2010

ang serena sa zambales.

hindi ako natuloy ng baguio. sa kadahilanang sumakit na ang tuhod ko, nangawit ampucha. so dumertso na lang ako ng zambales. okay ang view parang california lang habang binabagtas ko ang highway. alas dos na nung narating ko ang mismong bayan ng olongapo. kumain ako sa isang fast food chain. Okay solb solb na.

nagtanong ako sa guwardiya kung saan may malapit na beach. ah marami dyan sir nagkalat.ilang taon po ba ang tipo nyo? ha? dyan lang po merong mga beerhouse. ay sir beeeaach po ang hanap ko hindi bitch. hahahaha.pasensya na bossing.akala ko bitch na pokpok. umalis na ako. nag-init ang ulo ko. anong akala nya sa akin babaero?

tinawagan ko yong kaibigan kong gala. sa san felipe daw ang may magandang view habang nasa long drive ka. pumayag naman ako. nagpagas muna ako sa olongapo bago ko binaybay patungong san felipe

gumagana na yong gps. turn right 500 meters ahead.turn left 200 meters ahead. potang ina iba na ata to.naeengkanto na ata ako.panu magkakaroon ng kaliwang daan at kanang daan kung straight line lang naman. muli akong nagdasal. pero hindi pwedeng nakapikit. murmur.

nung narating ko na yong san felipe nagtanong tanong ako kung san ang may pinakamalapit na resort. pinuntahana ko. meron naman kaso hindi kasing bongga ng mga resort na napuntahan ko.simple lang.

dun na ako nagpalipas ng gabi. hindi na ako naligo sa dagat , malamig at baka ako'y mapasma. uminom na lang ako ng beer. lakad lakad. pumulutan ng seafoods at tumungga nang tumungga. tumungga nang tumungga. tumungga ng tumungga.

nagising na lang ako kinaumagahan sa lamig ng aircon.nagulat ako nang makita kong nakabrip lang ako.isang napakalaking tanong kung sinong nagdala sa akin sa kwarto ko. anarchy. confusion. chaos. joskolord ano tong pinaggagawa ko. at bakit nakabrip na lang ako. anooooooong nangyari? hindi ko maalala.

agad akong tumungo sa nagbabantay at agad binayaran ang bill ko. hindi na ako nagtanong kung sinong nagdala sa akin sa kuwarto ko. agad agad na akong umalis.

nung nasa gate na ako nakita kong papalapit sa akin yong isang dalaga.mali isang binatilyo pala.pinagbuksan ko naman ng bintana. sir tiga-manila ho pa pala kayo? nagtaka ako. ngumiti sya na parang kabayo. napakameaningful ng mga ngiting yun na dun ko lang nakita sa tana ng buhay ko. pinagmasdan ko sya mula ulo hangang paa. cross dresser si totoy.

hindi kaya nakalambat ako ng sirena? joskolord wag naman po sana.

Lunes, Nobyembre 29, 2010

nang mawala si mang poldo

huling araw ko nung sabado sa trabaho.nagresign na ako bilang call center agent.ayoko ng ganung environment.parang nasa pressure cooker lang ako.at hindi akma ang trabahong yun sa edad ko.

kahapon wala akong magawa.at bago pa man ako magpakamatay sa kaboryungan naisipan kong gumala. susubukan ko ang newly installed gps application ng phone ko. kinuha ang susi ng sasakyan, kumuha ng ilang damit, nagpa-gas, at kinalakad ko ang aking sarili papuntang norte. walang siguradong destinasyon. walang ideya kung gaano kahaba ang biyahe. roadtrip kung roadtrip...ng mag-isa lang. lumarga ako bago pa man sumapit ang tanghali.

kinakabahan ako na ewan. hindi kayang i-validate ng utak ko ang reason kung bakit baka siguro dahil walang siguradong endpoint ang roadtrip ko. pinagana ko na ang gps ng phone ko. nilagay sa dock at nagsasalita na ng kung anu-ano.

"gps is on. acquiring satellite. 11 acquired satellites. your elevation is 40 meters. your average speed is 30 m/h. please sit back and enjoy your driving" sabi ng gps. ayos to. nakakatuwang gamitin.very versatile and reliable. parang pokpok lang.

binaybay ko ang nlex.walang masyadong motorista. ayos. pero kinakabahan ako dahil unti-unti ng pumapasok na sa kukuti ko kung anong kalalagyan ko sa destinasyon ko.bigla bigla na lang pumasok ang mga masasamang pangitain sa akin. maholdap. maaksidente. manakawan. matapilok and worse ma-gang rape. paksheeeeet.

pero think positive pa rin ako.panay ang sulyap ko sa phone ko islash gps device. blink blink lang. nakatulog na ata yong voice over. siguro dahil di ko binigay ang endpoint ko kanina. so nilagay ko baguio.aba nagsalita! tinanong ko kung nasan na ako. meleles bowlakeyn. islang ampotah!

tuloy tuloy lang ako. sa katunayan sa edad kong to pangatlong beses pa lang akong makakapunta ng baguio. kaya ganun na lang katindi ang pangangati ng talampakan kong makapuntang muli.kaya aside from thinking positive, iniisip ko rin na sana maraming naggagandahang babae ang dadatnan ko. sexy at mala-diyosang ganda.

nakalabas na ako ng nlex nang biglang tumirik ang sinasakyan ko. naku lagot na. sana di mangyari yong mga pangitain ko. sana...

pagcheck ko sa gps ng phone ko kung asan ako na ako. zero satellite. patay! at ang tanging binabanggit na lang nito ng pauli ulit ay lost satellite reception. bwisit. kung kelan kelangan saka pumalya. dito na ako kinabahan. tanghaling tapat mananakawan, mahoholdap, magagang rape...pooootaaah!

ang huling registered location ko 14.916748385020765,120.22781431674957. ayaw din magload ng map. pinark ko muna sa tabi ng kalsada yong sasakyan ko. kunyari iihi lang. chineck ko yong makina ng sasakyan ko, syet nagpalya ang baterya. nagdial ako para tawagan ang express motolite achuchu na yan para magpadeliver na lang ngunit nung tanungin na ako kung anong location ko. yun na.dun ko na narealized na hindi ko nga alam eksakto kung nasan ako. patay! nagdasal ako... our father who art in heaven, holy be your name...you...r.your...your....king..your..ki--amen.

so yun nga.nagkaletse letse ako dahil sa gps na yan. walang masyadong bahay sa pinaghintuan ko.kung meron man 200 meters away mula sa kinatitirikan ko. ang akala kong reliable na gps na yan biglang nadebunk. ayaw pa ring gumana. parang pokpok nga lang talaga, minsan pumapalya.

tinawagan ko yong kaibigan ko. pre pwede bang pakisearch sa google map tong coordinates na to 14.916748385020765, 120.22781431674957. anu ba yan? saka ka na magtanong pagbalik ko. nasan ka ba.makikita mo pagsinearch mo yan. gagu di nga? oo nga! sige akin na. naghintay ako ng ilang minuto nag e-fb pa ata ang kupal. o ito nasa ganitong lugar ka. san ba tungo mo? baguio. gagu e ang layo nyan sa baguio. ilang milya pa tatakbuhin mo.

lumabas naman ako sa dulo ng nlex ah. siguradong nlex ba baka dumaan ka ng sctex? meron ba nun? ay kaya naman pala bobo. toooooottt. *bagsak ng telepono*

humingi na lang ako ng tulong sa malapit na vulcanizing shop.siguro 500 meters mula sa impyernong kinalalagyan ko. naayos naman. ang siste papalitan muna ng lumang baterya yong baterya ng sasakyan ko daanan ko na lang daw pagbalik ko. pero isang libo ang renta kasama na daw dun ang labor at pagcharge sa baterya ko. okey lang basta walang lokohan kako.ngumisi yong mama.

mahaba habang biyahe ang tinahak ko. good luck naman sa tuhod ko. i need you again pau de arco.

Biyernes, Nobyembre 26, 2010

tenksgibing.

thanksgiving. maliban sa dambuhalang tyan e marami akong dapat ipagpasalamat.
trabaho.pamilya.sweldo.babae. pagkain. alak. babae. libangan. babae. kaibigan. babae.
pera. babae. pera. babae. kaibigan. babae. at marami pang babae este marami pang iba.salamat.

sa tate, (oo lioloco galing talaga ako ng tate. nanirahan din ako ng ilang taon.) (at eloiski
ilang beses mo mang balibaliktarin ang salamin mo hindi mo ako makikilala. wag mo nang alamin ang dati kong URL, pasalamat ka na lang. okey?) sa tuwing sasapit ang thanksgiving hindi mawawala ang turkey at mashed potato. recipe. pagkain. at dyan pumapasok ang katakawan ko. yun nga lang ayoko ng mashed potato. naghahanap pa rin ako ng rice para sa pinaupong turkey.

ang thanksgiving ang isa sa mga pinakaaabangan holiday sa US. una kong natikman ang bwakenang turkey na yan noong dinalaw ko ang kaibigan ko sa pearland texas. akala ko damduhalang 45 days chicken, turkey pala. wala namang masyadong pinagkaiba sa lasa ng chicken medyo mas malasa nga lang lalo na sa tulong ng gravy. masaya ang thanksgiving.parang reunion ng magkakapamilya. mag-oovernight stay tapos mag-iinuman ng bonggang bongga.party parteee!

pagkatapos ng thanksgiving dyan naman papasok ang black friday, umatikabong sale ng mga shops.bagsak presyo na parang divisoria. ang saya pag marami kang pera.mura ang gadgets, appliance, houseware, at mga pokpok nagsipag-sale din.

Pero naisip mo na ba kung Sino nga ba ang unang pasalamatan? isipin mo. dahil Siya lang naman talaga ang nag-iisang rason para magpasalamat at pasalamatan.yeaaah!

salamat nga pala sa mga masugid kong mambabasa (masyado naman ata akong nag-ilusyon ilang araw pa lang MASUGID NA talaga?) athena, lioloco, lambing, otli, jasonhamster, joyo, jepoy, eloiski, pong, ax.
at ikaw na nagbabasa. salamat.

Huwebes, Nobyembre 25, 2010

the tale of the old man and the unlimited rice

naging makulay ang buhay ko noon sa amerika.may sariling bahay, sariling sasakyan at may sariling pera.makulay dahil doon ko lang nakita ang kaibahan ng buhay pinas sa buhay tate. makulay dahil ibang iba ang garbo at aura ng amerika kumpara sa pilipinas. pero hindi lahat meron ang amerika. hindi perpekto. may substandards pa rin at hindi pumasa sa panlasa ko.hindi 'to ang hanap ko.

sa amerika bihira kang makakita ng kanin sa mesa. at kung meron man sinangkapan to ng chichiburetseng pampalasa, gulay at kung anong anik-anik pa.chao fan inshort.subalit hindi yon ang gusto ko, pag sinabi kong kanin dapat yong sinaing. walang pampalasa. walang arte. at yon ang hinahanap ko sa amerika.

mahilig akong kumain, inshort matakaw ako. adobong baboy, sinigang na baboy, nilagang baboy, letsong baboy ay ilan lang sa mga paborito ko. halos magmukha na akong baboy. madalang ka lang makakita ng mga putaheng ganyan dun. kung meron man sa mga filipino store din pero uber sa kamahalan.parang dutch and dutches lang.

kaya noong umuwi ako ng pinas isa sa mga gusto kong kainan ay ang mang inasal at tokyo tokyo. potang ina lang talaga sinong tatanggi sa unlimited rice na yan.kaya nung nabigyan ako ng pagkakataon sinunggaban ko na.walang kyeme. walang arte. unlimited rice. shet lang kung ako'y tatanggi.

at yon ang hinahanap hanap ko dito sa pinas.walang kasing tulad ang kabusugan ko dito kesa sa amerika.

bago pa man ang lahat, gusto kong batiin ka ng magandang umaga!

Miyerkules, Nobyembre 24, 2010

bukas ang zipper mo hijo, excited much?

Tahimik akong nakikinig sa radio ng selpon ko ng makita ko ang hindi dapat makita ng isang tulad ko. Sinipat kong muli ng tingin kong totoo nga. Hindi ako nagkamali. Tumagilid ako upang pag-isipan kung anong reaksyon ang aking gagawin. Ngisi.

Lagot na, walang pakialam ang mamang 'to. Paano ko sasabihin. Nakakaawang nakakainis, naaawa ako dahil baka hindi lang ngisi ang makukuha nya pag nakita ng iba, nakakainis dahil 'di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya. Bahala na.

Kinig pa rin ako sa radio ko pero hindi ko maiwasan mag-isip kung anong gagawin ko. Sasabihin ko kaya? O magpapasawalang bahala na. Nyeta naman oh.

Bahala na...

Nilabas ko ang selpon ko at unti unting tinutok ang lente ng camera sa kanya. Plak!


Good luck na lang pagbaba mo kuya.

Martes, Nobyembre 23, 2010

pramis, hindi ako nangongopya *ngisi*

putang ina lang talaga pag naaalala ko nung nag-aaral pa ako sa kolehiyo.
Sa kolehiyong yon bawal ang kopyahan pero okey lang ang lagpakan. halimaw ka pag naka-uno ka kahit sa isang subject lang at insignificant ang mga ganung occurence sa academe. hayup kung naka-uno ka. natural lang na bumagsak. pero taboo ang kopyahan.

molecular biology. potang ina. isa sa mga pinakaaayaw kong subject. alam ko na may malaking kinalaman ang DNA sa tao. pero para ituro ng hinayupak kong titser ang kahalagahan ng bawat strand ng DNA e sobra na ata yon. Guapo ako. at may magandang genes, tapos! Walang ng tsitsiburiching ganyan.

Dumating ang eksam. at lahat ng santo e natawag ko na. Pero wala man lang nagtext back. shet. Nilunok ko na  ang pride ko. ang kaliitliitang pride na natitira sa katawan ko.

Nagtangka akong mangopya. Pero kung swertehin ka nga naman, nakatabi ko ang isa sa mga may pinakapanget na penmanship sa klase. hindi ko alam kung steno nga ba ang subject namin nung araw na yon o molecular bio. Asar talo.

So ganun, hindi ko kayang mangopya lalo na kung resemblance ng mukha nung nagpapakopya sa penmanship nya. maswerte nga lang talaga. At hindi ko kayang tiisin ang amoy nya. Nakakakiliti ng ilong.

bumagsak ako sa eksam na yon. pero natutuwa ako. bakit? dahil buong klase ay hindi nakapasa. swertehan lang talaga.

“There's nothing to winning, really. That is, if you happen to be blessed with a keen eye, an agile mind, and no scruples whatsoever.” -Alfred Hitchcock

Lunes, Nobyembre 22, 2010

ang sup kong uboooood ng gandaahhh!

naaasar ako. may isang call ako na dapat i-handle ng sup ko.
Kelangan kasi request yon ng client. hurumintado si client na kesyo daw bakit
marami akong tinatanong, pinapaliwag ko naman na for verification purpose lang.
ang kasyo sabi nung matandang kausap, hindi na daw kelangan kasi may record naman na
daw sya sa system namin. Pero kelangan talaga para ma-aunthenticate na sya nga yong
taong yon.

ito na, nung ita-transfer ko na sa sup ko yong call ayaw ng nagmamagandang sup ko. bakit ko daw itatransfer kung kaya ko namang i-handle. sabi ko kung customer assistance lang kaya ko yan pero request ng caller na sup ang makausap. bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko kung ayaw akong makausap ng tao.
nagmatigasan ang gaga. putang ina lang talaga. sabi ko sa client sa kabilang linya. would it be okay if ill call you back, just give me 10 minutes and we will get back to you right away. ayaw ng gagong matanda. so ang sabi ko. okay, would it be okay if ill put you on hold within 10 minutes. okay daw. parang tanga lang.
so nag-uusap usap kami kung anong gagawin.ayaw talaga ng sup ko,kaya ko naman daw ihandle bakit sya pa.

iritang irita na ako. nagpapawis na ang mga betlogs ko sa kasingitsingitan ko. hayop talaga. nakikipagdiskuyon pa at gustong mauwi pa sa mahabahabang debatehan.

magte-ten minutes na pero wala pa ring solusyon. ang ginawa ko tinawagan ko yong client:
"hello, this is ruth, helpdesk supervisor of blah blah blah... i believe you're looking for a supervisor to assist you. how can i help you sir?" blah blah blah. kumalma ang matanda. nasolve ang problema. kumalma din ako sa kabilang banda.

oo tama, nagboses babae ako. parang tanga lang talaga.
at ang feedback na natanggap ko sa caller.
"you know ruth, i like your voice, so lovely". gusto kong sumigaw ng mahabang putaaaaannngggg inaaaahh!

si matet

may kaklase ako dati na matet ang pangalan. matit naman kung tawagin ng bisaya naming guro. tipikal na babaeng estudyante sa pampublikong paaralan ang hitsura. naka-ponytail at may hairpin na hugis bulaklak. masayahing kaklase pero bobita.
seatmate ko bale sya. at dahil likas na matalino ako sa school likas din syang mangongopya. wala sa hitsura nya ang mangopya. kung pagbabasihan lang sa anyo at hitsura magmumukha akong kriminal versus sa ganda nya.

test namin nun sa english at si maam delia ang titser namin.isang napakahigpit at istriktang dragon sa buong eskwelahan. walang makakatalo sa kanya pagdating sa talas ng kilay, straight kung straight at lalo na syempre sa asignatura naming ingles sa kanya. habang mataimtim kong sinasagutan ang testpaper ko nahuli kong tumitingin sa papel ko itong si matet.pinabayaan ko na lang, understandable naman ang sitwasyon nya.

pero nahuli kami ni maam delia sa akto, at sa lahat ng pinakaayaw ng gurong ito e ang mangopya at magpakopya. lagot na. noong una deny deny-an lang ako, bakit ako aamin kung sa una pa lang wala talaga akong intensyong magpakopya, pero itong si babae kung makapagdahilan sa titser parang inupahan nya ako sa krimeng di ko naman ginawa. naging biktima ako.

hindi na pinatapos sa akin yong pagsusulit at ang mas nakahiya pa e gumawa ng eskandalo itong si madam, nag ala-merriam defensor sa pagtatalak na kesyo wag daw akong tularan dahil di maganda ang kopyahan. gusto kong gawing blackboard ang naglalangis nyang mukha.

noong araw ding yon, galit ako kay matet. nagpupuyos ng galit. galit na galit.
lunch break. lumapit sya sa akin para humingi ng sorry. hindi ko pinansin. imbes na patawarin sinigawan ko pa sya. "bakit ba kasi ang bobobo mo? wala ka bang mama at papa para turuan ka?". tumalikod sya papalayo.

masama ang loob ko sa nangyari. hangang sa magsi-uwian na.nakita kong papalapit sya pero tumakbo na lang ako.

kinabukasan.bakante ang upuan nya. nalaman ko sa isang kaklase na sinundo na pala sya ng kanyang mama't papa pauwi ng probinsya.

Linggo, Nobyembre 21, 2010

welkam sa internet

Welkam sa internet, ang tahanan ng mga henyo, guapo, feelingero, bobo, malilibog at lalo na ang mga istupido. Isang lugar para sa mga busy at at malaking espasyo para sa mga walang magawa. Welkam sa internet, ang mabisang libangan ng bawat isa!

Ang tagal ko ring nawala at ako'y muling nagbabalik. Pero bago pa man ako makabalik ilang beses ko ring pinnag-isipan kong gagamitin ko tong blogger account ko. Ang arte ko lang.

Dalawang taon. Dalawang taong pagkawala? Ayos ah. Buti nakilala ko pa rin ang sarili ko sa lagay na to. Shit lang naman. Pero kung gaano kalaki ang blogosperyo ay ganun din kalaki ang puwang ko para ako'y bumalik. Hindi nga naramadaman ng blogosperyo na akoy nawala. Isa lang akong alikabok sa Shang-ri la.

Madami ng bagong bloggers ngayon, di-kalibre. haytek. Tambay ng coffee shop, may dalang laptop. At yong iba may sariling wif hotspot. Di-ipad. At may nakasuksok pang earphone para habang nagsusulat nalilibang din sa pagkanta. Arte? hindi, dahil yon ang uso.

Ako, simpleng pagba-blog lang okey na. Walang arte arte at walang demurity, tita kung tira.Magsususlat ako, magbabasa ka. At bahala ka kung sasayangin mo ang limang minuto sa pagbabasa o may mapupulot kang aral sa wala.

"I have the simplest tastes. Im always satisfied with the best"
- Oscar Wilde

Abangan ang aking masaganang pagbabalik...tao.