Lunes, Hulyo 4, 2011

dmp: tigyawat issues

dear mang poldo,

ako po si nerissa, dalawapu't apat na taong gulang. nakatira sa bahay ng magulang minsan sa bahay naman ng kaibigan. may isasangguni po ako sa inyo. mula po nung bata ako hindi na ako tinantanan ng tigyawat. kung anu ano na ngang gamot ang naipahid ko po e, kulang na lang pati semento ang kaso ganun pa rin po, lubak lubak at patuloy na tinutubuan ng tigyawat.

isa po akong aktibista, at madalas pong ginagawang halimbawa ng kapwa ko tibak ang aking mukha. pag nasa rally po kami, madalas nilang speech ay ganito..." tingnan nyo ang mukhang to, halintulad sa mga proyekto ng gobyerno! walang substance at laging napapalso, kulang sa pondo kaya ang kinahihinatnan...lubak lubak na proyekto!" sabay turo sa mukha ko. hindi ko alam kung compliment o pang-iinsulto pero tinatanggap ko na lang na biro. andun na e. may magagawa pa ba ako.

kaya ang hinihingi ko lang po ng sulosyon e kung paano mabawasan ang mga tigyawat ko sa mukha.

i-want-to-be-pimple-free,
nerissa 


kasagutan:

nerissa,

alam mo naniniwala ako na ang kapalaran ng isang nilalang ay hindi sa palad kundi sa mukha. ito ang tinatawag na face reading sa astrology. anong konek? wala lang. nabanggit ko lang. yan na talaga ang tadhana para sayo. hahaha. joke lang. in serious note, pwede mong pagkakitaan yan, dyan mo makikita ang constellation. pwede ka manghula gamit ang mukha mo ayun sa ayos ng mga bituin (read: tigyawat). tama? pero maliban dyan ito ang ilan sa aking mga maipapayo.

una, kumuha ka ng pentel pen. maglaro ka ng connect the dots. napakasimpleng libangan pero brainstorming.
sekand, kumuha ng itlog, yong fresh. hatiin sa dalawa. itapal ang egg yolk sa nagmamantikang mukha hangang maluto. panatilihing buo at firm ang egg yolk.wag kalilimutan ang asin bilang pampalasa.

pangatlo, sipat sipatin mo kung ano nga ba ang kakulangan sa yong katawan, i mean sa diet. baka napapasobra ka pagkain ng matataba. iwasan ito. nagiging sanhi yan ng highblood, na sya namang aatake pag nakikita mo ang yong mukha sa harap ng salamin.

pangapat, matulog ng sapat. kung maaari gawing sampung oras ang pagtulog. para naman mababawasan ang oras ng pag-aalala mo sa yong mukha.atleast, wala kang eyebags.

panglima, mag-isip ng alternatibong paraan sa paghihilamos. sabi ng lola ko mainam daw ang maligamgam na tubig. but since that more than three decades ago, may changes syempre. gawin mong kumukulong tubig ang panghilamos mo. try mo. di ko sure kung effective. kung effective man, text mo ako.

pang anim, ang kagandahan ay nasa panloob na anyo.wala sa panlabas. kung feeling mo maganda ka, edi dun ka. pero sa lagay mong yan... hahahay... gudlak na lang. 

sana nakatulong ako,
mang poldo

5 komento:

Monik ayon kay ...

baka naman nasa lahi na nila ng tambak na tigyawat?! :)

khantotantra ayon kay ...

ahahahaha. panalo ang payo mo mang poldo! ahahah

eMPi ayon kay ...

gawing bang prituhan ang pagmumukha? hahaha

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

super tawa naman ako sa bungad. hahaha! wala lang sa palad kundi sa muka! totoo yan! totoo yan! apir!

L ayon kay ...

konek da dots amputa! lol! musta ser? namiss ko tumambay sa crib na 'to. \m/