Huwebes, Hulyo 7, 2011

dmp: happy feet

dear mang poldo,

may problema po ako. kasi po madalas magpawis yong pareho kong paa. at pag sinabing pawisin, meaning parang gripo o parang bukal lang. although wala naman syang amoy pero hindi ako komportable e lalo na pag may lakad ako. hindi ko tuloy maisuot yong tom shoes na iniregalo sa akin ng kuya ko nung birthday ko. isinuot ko kasi sya minsan, eh ayun wala pang dalawang oras basang basa na ang sapatos. frustrated talaga ako lalo pa nung malaman kong dyapeyk pala yong sapatos, nagfade kasi yong kulay matapos mapawisan.

kaya gusto kong itanong kung anong lunas sa problemang ito.

salamat nang marami,
boy lapot

kasagutan:

boy lapot,

mas okey na yong parehong paa ang pawisin kesa naman yong isa lang, yong isa tuyo yong isa basa. mas uncomfortable naman yun di ba?saka di hamak na mas maswerte ang paa mong pawisin, yong kaibigan ko nga sa singit mas pinapawisan. take note, babae yun. kulang na lang lagyan nya ng scotchbrite foam yong singit nya, tapos pipigain na lang nya.shet. magsuot ka na lang ng makakapal na medyas pero presko.

anyway, ayun sa nabasa ko hormonal daw yan. di ko lang alam kung imbalance o ano basta something to do with your effing hormones. kaya sisihin mo yang hormones mo.wag yang mamasamasang paa mo.

magpakonsulta ka na lang muna sa espesyalista. wag ako.

salamat,
mang poldo
mangpoldo@gmail.com

2 komento:

Monik ayon kay ...

scothbrite foam sa singit hahaha! imbalance. Sa pagkaka alam ko e pasmado ang ganyan pero nawawala rin naman siguro yan. Ganyan din ako dati. wag lang syang magsusuot ng sapatos mga 2 years. Tsinelas lang lagi.

atticus ayon kay ...

anak ng tokwa. sana sinabihan mo na milcu foot and underarm powder bago mag-medyas o sapatos. epektib!