papunta ako ng palengke kanina nang maispatan kong naglalaro si letlet sa labas ng bahay. tinawag ko sya para ayaing samahan ako. bibili ako ng gamot ko sa ubo at mauulam kinabukasan.pumayag naman sya.
habang nasa daan. may nakita akong nagtitinda ng itlog ng pugo. inaya ko syang kumain. ayaw daw nya. nung nakalimang itlog na ako, humingi sya ng isa para tikman. nakatatlong itlog na sya nang sabihin nyang masarap pala. hangang sa parehong nakalima pa kami.
after naming kumain nun, bumili ako ng buko juce. tig-isa kami. uminom naman sya. habang umiinom nakita namin yong nagtitinda ng baka baka. yong atay ng kalabaw. pero baka baka ang tawag ko dun.
tinanong ko sya kung alam nya ang tawag dun. "we call that street foods" pagpapaliwanag nya.
tinanong ko sya kung kumakain sya nun. hindi daw. nakakadiri daw tingnan. hinayaan ko na lang. kumain ako ng limang piraso.nakatingin lang sya sa akin. pinapatakam para magustuhan din nya. at di nga ako nabigo gaya kanina nagpabili din. nakalimang stick sya bago nya nasabing masarap pala.
pagkatapos naming kumain saka kami dumeretso sa mercury drug. nung nabili na namin yong gamot, dumaan muli kami sa nagtitinda ng mais. bumili ako ng tig-isa kami. saka bumili ng kikiam at fishballs. ngatngat. ngatngat. ngatngat.
pagkauwi namin, masayang nagkwento si letlet.
mama! mama! kumain kami ng street foods!
at sinong nagsabing kumain ka nun?
*inginuso ako ni letlet*
eeehhhhh uminom naman ako ng yakult kanina e,mamatay naman ang germs dun! wika ni letlet.
di na ako tumingin pa sa kanila. umakyat ako ng bahay ng dahan dahan saka tinakasan ang krimen na nasimulan.hindi ko napagtanto, bawal palang kumain si letlet nun kasi nagkasakit na sya dati sa pagkain ng fishballs.
at napagtanto ko ding napakalaking Bad Influence sa bata. Okey lang masarap naman ang kikiam. :D
at habang ginawa ko ang draft ng post na to, naririnig ko yong mag-ina, nag-aaway.
itutulad nyo ba ako sa mga taong nagugutom! napakaunfair nyo! hulaan mo kung sino nagsabi nyan.
8 komento:
sosyal ni letlet... streetfood ang tawag sa kikiams and fishballs :D
masama ata yun lalo na kapag nagkasakit ka na ng mga hepa or amoebiasis.
hahhaa ang cute ni letlet habang nangangatwiran hehehe
msarap tlga ang street foods, mahal kc pag nasa mall na hehe
Bumaba ako ng boarding house.. bumili ng limang pisong fishball, sampung pisong kanin... at yun na ang pinagkasya ko sa buong araw... ehehhe.. ilang beses din ako sinagip ng kikiam, fishball at kwek-kwek...
gustong gusto ko yan lalo na nung tambay kami after class ko sa FEU noon, may mga street foods sa R.PAPA, tusok lang tusok.. sarap..
hehehe napadaan lang po... bagong blogger, peborit ko ang kwek kwek... sabi ng manager ko dati IO daw tawag dun sa amerika (halatang etching lang) meaning itlog na orange... mas masarap kumain pag point-point (turo-turo) ang foods pero masama pag nasobrahan... visiting...
-ty po sa pagbisita sa blog ko kuya. wahaha . masarap ang kikiam
ang sarap ng kikiam at fish ball at ng kwek kwek. Nakakatuwa talaga si lelet at ikaw na po ginoong poldo ang bad influence...
Excess: Nasabi ko na po bang masarap ang kikiam at fishball at kwek kwek? ehehe
Mag-post ng isang Komento