Huwebes, Agosto 4, 2011

talaga?!?

kausap ko yong kapitbahay kong daldalera. nakita nya kasi akong inaayos yong halamanan sa harap ng bahay para di malunod dahil sa sobrang buhos ng ulan.
mamita ang tawag ng marami sa kanya. isa syang kilalang sidewalk vendor sa palengke. halos dalawang dekada na sya sa kanyang trabaho pero nakikipaghabulan pa rin sya sa mga nanghuhuli sa palengke.
sa kanya ako bumibili ng tawas at ng mothballs.

mamita: anlakas lakas ng ulan. kahit gustuhin kong maglako wala rin atang bibili.
MP: magtinda ka na lang ng mainit na sopas saka champorado, naku bibenta yon.
mamita: ayoko, masyadong matrabaho. saka malulugi ako pag nagkahabulan na.malulugi ako nun.
MP: oo nga.
mamita: nanganak pa naman si julie kahapon, yong panganay ko. kelangan ko ng pera.
MP: yong panganay mo? e di ba nag-aaaral pa yon sa high school?
mamita: oo, maagang naglandi ang gaga. hahahaha. (sabay tawa)
MP: (nagtaka, wala namang nakakatawa sa sinabi nya, ikinatuwa nya?) ano ang anak?
mamita: okey naman. (ayan na, ikinagulo na ng utak nya ang kanyang pagtawa)
MP: babae ba? o lalaki?
mamita: lalaki. ang kyut kyut nga e.ang liit liit ng mukha.(sabay ngiti)
MP:  ????

biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.

mamita: yun nga ang problema ko e, kung saan ako kukuha ng pambayad sa hospital.
MP: yong ama ng bata, wala bang trabaho?
mamita: naku yong ama ng bata mahirap lang yun.
MP: maka-mahirap ka naman dyan parang ang yaman mo.
mamita: (sabay tawa ng malakas)

narinig ni manang yong tawa ni mamita. papalapit bitbit ang isang tabo at timba.
mamita: uy kumare anjan ka pala. nanganak na yong inaanak mong si jennifer. putragis ang guapo ng bata.
manang: (over excitement) ay talaga!!!! anong anak, lalaki ba o babae? ilang buwan na?!?
.....
....
...
..
mamita: si kumare talaga, mahilig magbiro!

hay naku manang adik ka talaga.

Sabado, Hulyo 23, 2011

loser ako

may ilang mga bagay na kombi. combination ika nga. at meron namang hindi binabagayan.

nung nakaraang lunes. niyaya ako ng isang kaibigan na uminom. so since matagal nang hindi nagiging masokista ang aking liver (liver??? naks english ampotah) eh sumama ako para makipaginuman. dala ng kanyang malaking problema kaya sinamahan ko na rin sya. sympathetic ako alam mo ba?

nung nakarating na kami sa bahay nila. eh nagpahanda sya ng pitsel at malamig na tubig. ang akala kong beer na titirahin e hindi pala. emperador. hindi lights. hardcore ang magiging drama. dalawa lang kami. dalawang atay ang  parehong masisira. sabi ko wala na bang iba? sarado na daw kasi ang tindahan na malapit at keri lang yan pre aniya. (nag pre pa talaga sya ah).

tapos nung nilabas nya yong pulutan. napaputang ina talaga ako. isa platitong butong pakwan. good combination? hindi. kasi pagtungga mo na yong alak tapos saka ka palang magbabalat ng potang inang butong pakwan, isang malaking epic fail yun. try mo?

napapaluha ako sa tuwing lalagok ako ng alak kasabay ng pagbalat ng butong pakwan. hihingi na lang sana ako ng kanin kahit bahaw man lang kaso wala na daw. talaga madibdibang inuman. nagsuggest akong balatan kaya muna namin lahat ng butong pakwan saka kami tutungga ng alak? ayaw daw nya. waste of time daw.

potang ina. sya lang ang nakainuman kong walang pakialam kung may pulutan man o wala basta may tubig talu talo na. di ko talaga kaya. alas onse pa lang suko na ako.

maya maya pa naririnig kong umiiyak sya. di dahil sa di ko nadamayan sya sa kanyang problema kundi tinulugan ko lang daw sya.

sya nga pala maliban sa nalasing ako. naramdaman ko ding namamaga na yong labi ko na lasang maalat alat pa.

Lunes, Hulyo 11, 2011

frustrated...

that awkward feeling, when you're peeing and had smacked the throne at your best but your potoytoy produces two springs, the other is hitting the right place, gracefully. while the other did not make it any better. how frustrating it is. and worst, nakikiihi ka lang sa kubeta ng OC mong kumare. shet.

things i should learn, opposition matters and because it matters, learn to get used of it.

Huwebes, Hulyo 7, 2011

dmp: happy feet

dear mang poldo,

may problema po ako. kasi po madalas magpawis yong pareho kong paa. at pag sinabing pawisin, meaning parang gripo o parang bukal lang. although wala naman syang amoy pero hindi ako komportable e lalo na pag may lakad ako. hindi ko tuloy maisuot yong tom shoes na iniregalo sa akin ng kuya ko nung birthday ko. isinuot ko kasi sya minsan, eh ayun wala pang dalawang oras basang basa na ang sapatos. frustrated talaga ako lalo pa nung malaman kong dyapeyk pala yong sapatos, nagfade kasi yong kulay matapos mapawisan.

kaya gusto kong itanong kung anong lunas sa problemang ito.

salamat nang marami,
boy lapot

kasagutan:

boy lapot,

mas okey na yong parehong paa ang pawisin kesa naman yong isa lang, yong isa tuyo yong isa basa. mas uncomfortable naman yun di ba?saka di hamak na mas maswerte ang paa mong pawisin, yong kaibigan ko nga sa singit mas pinapawisan. take note, babae yun. kulang na lang lagyan nya ng scotchbrite foam yong singit nya, tapos pipigain na lang nya.shet. magsuot ka na lang ng makakapal na medyas pero presko.

anyway, ayun sa nabasa ko hormonal daw yan. di ko lang alam kung imbalance o ano basta something to do with your effing hormones. kaya sisihin mo yang hormones mo.wag yang mamasamasang paa mo.

magpakonsulta ka na lang muna sa espesyalista. wag ako.

salamat,
mang poldo
mangpoldo@gmail.com

Lunes, Hulyo 4, 2011

dmp: tigyawat issues

dear mang poldo,

ako po si nerissa, dalawapu't apat na taong gulang. nakatira sa bahay ng magulang minsan sa bahay naman ng kaibigan. may isasangguni po ako sa inyo. mula po nung bata ako hindi na ako tinantanan ng tigyawat. kung anu ano na ngang gamot ang naipahid ko po e, kulang na lang pati semento ang kaso ganun pa rin po, lubak lubak at patuloy na tinutubuan ng tigyawat.

isa po akong aktibista, at madalas pong ginagawang halimbawa ng kapwa ko tibak ang aking mukha. pag nasa rally po kami, madalas nilang speech ay ganito..." tingnan nyo ang mukhang to, halintulad sa mga proyekto ng gobyerno! walang substance at laging napapalso, kulang sa pondo kaya ang kinahihinatnan...lubak lubak na proyekto!" sabay turo sa mukha ko. hindi ko alam kung compliment o pang-iinsulto pero tinatanggap ko na lang na biro. andun na e. may magagawa pa ba ako.

kaya ang hinihingi ko lang po ng sulosyon e kung paano mabawasan ang mga tigyawat ko sa mukha.

i-want-to-be-pimple-free,
nerissa 


kasagutan:

nerissa,

alam mo naniniwala ako na ang kapalaran ng isang nilalang ay hindi sa palad kundi sa mukha. ito ang tinatawag na face reading sa astrology. anong konek? wala lang. nabanggit ko lang. yan na talaga ang tadhana para sayo. hahaha. joke lang. in serious note, pwede mong pagkakitaan yan, dyan mo makikita ang constellation. pwede ka manghula gamit ang mukha mo ayun sa ayos ng mga bituin (read: tigyawat). tama? pero maliban dyan ito ang ilan sa aking mga maipapayo.

una, kumuha ka ng pentel pen. maglaro ka ng connect the dots. napakasimpleng libangan pero brainstorming.
sekand, kumuha ng itlog, yong fresh. hatiin sa dalawa. itapal ang egg yolk sa nagmamantikang mukha hangang maluto. panatilihing buo at firm ang egg yolk.wag kalilimutan ang asin bilang pampalasa.

pangatlo, sipat sipatin mo kung ano nga ba ang kakulangan sa yong katawan, i mean sa diet. baka napapasobra ka pagkain ng matataba. iwasan ito. nagiging sanhi yan ng highblood, na sya namang aatake pag nakikita mo ang yong mukha sa harap ng salamin.

pangapat, matulog ng sapat. kung maaari gawing sampung oras ang pagtulog. para naman mababawasan ang oras ng pag-aalala mo sa yong mukha.atleast, wala kang eyebags.

panglima, mag-isip ng alternatibong paraan sa paghihilamos. sabi ng lola ko mainam daw ang maligamgam na tubig. but since that more than three decades ago, may changes syempre. gawin mong kumukulong tubig ang panghilamos mo. try mo. di ko sure kung effective. kung effective man, text mo ako.

pang anim, ang kagandahan ay nasa panloob na anyo.wala sa panlabas. kung feeling mo maganda ka, edi dun ka. pero sa lagay mong yan... hahahay... gudlak na lang. 

sana nakatulong ako,
mang poldo

Lunes, Hunyo 20, 2011

ano na lang mukha ang ihaharap ko?

antagal kong nawala. sabagay wala namang nakamiss sa akin. ano bang nangyare?

marami.

as in marami. pero ganun pa rin, si letlet makulit. si manang bungangera pa rin. sya nga pala, nag-aaral na si letlet.kelan lang, noong independence day. linggo yun. may homework sya, bukas na daw kasi ang pasahan. nagpatulong sya sa akin kung paano gumawa ng philippine flag. first time daw kasi nya, kelangan nya ng moral support. natuwa agad ako, sa katunayan mas excited pa ako kesa sa kanya.

kinailangan naming kumuha ng patpat. dali dali akong pumunta sa likod ng bahay para manghagilap ng patpat, yong kawayan. sakto may nakita ako. tapos kumuha din ako ng ilang art paper at glue.

una hinati ko muna yong stick hangang sa gitna, saktong yong lateral view lang ng papel. besing besi ako sa homework nya habang sya e nanonood lang ng tv, nakataas pa ang paa.

"mang poldo kaw na bahala dyan ah.gandahan mo"

sinimulan ko ang paggupit. saka dinikit yong asul na art paper, yong pula at yong araw, saka yong bituin din pala. kinakabahan akong ewan pero alam kong tama naman ang ginagawa ko.

habang pinagkakaabalahan kong gawin ang asyanment nyang flag, kinukwento ko din kay letlet kung gano ako kagaling noong nag-aaral pa ako nung nasa edad pa nya ako. wala syang naririnig, busy sya sa panonood.

makalipas ang ilang minuto, natapos ko din. shet moment of truth. pinakita ko kay letlet ang gawa ko. ngumiti sya. ibig sabihin, maayos ang pagkakagawa.ayos na yun! niligpit ko ang mga pinagguntingang art paper saka niligpit ang mga kalat.

pumasok ako ng kwarto para sana maligo, kaso nasa hagdan pa lang ako narinig ko nang naglilitanya si manang, papalapit kay letlet.

"letlet, ano ba tong ginawa mo?!? bakit yong pula nasa itaas, at kelan pa naging pink ang red? kelan pa naging apat ang rays ng araw? hindi ka ba nakikinig sa titser mo? eh pano, puro tv yang nasa isip mo"

pagkadating na pagkadating ko sa kwarto ko, agad kong sinara ang pinto.

BLAGHH!

hiyang hiya ako sa sarili ko.

Sabado, Hunyo 18, 2011

quote

"Dont underestimate the power of stupid people in large numbers" sabi? 

Sabado, Abril 2, 2011

april fools day

paksyet! nagsimula ang unang araw ng abril na mainit ang ulo ko na sinabayan pa ng nagiinit este mainit na katawan ko dahil sa sinat. nasa opisina na ako nun para magsimulang magtrabaho at gawin yong nakapending na paper works na iniwan ng damuhong katrabahong umabsent dahil ipapabakuna daw yong alagang aso sa vet, makatarungan? hindi. dumadag pa sa init ng ulo ko yong magkasalubong na kilay ni luchi (sya yong katrabaho kong may edad na na nagpapansin sa akin, saka ko na ikukuwento), naiirita lang ako sa kakikayan nya na hindi bumagay sa edad nya, sana nag aerobics na lang sya.

mainit ang ulo ko dahil pinatawag ako ng boss ko ke-aga aga. mali daw yong report ko na kesyo kulang blah blah blah. pinapaulit sa akin yong limang araw kong trinabaho, at pinapasubmit sa akin at the end of the day. himala? potakels.

paglabas ko ng kuwarto, ayun.. april fools lang pala. sinong matutuwa? ke-aga aga ganun ang ibubungad sayo. at ang tanda lang namin pareho para maki-jam sa hype ng araw na yon. sinong walang bait sa sarili. sya? yong boss kong sakang na may malaking bewang.

so bumawi ako. naisipan kong kelangan may sweet revenge.

matagal ko nang kinabubuwisitan tong si luchi. napadaan ako sa desk nya. wala sya. kumekerengkeng na naman. gumawa ako ng note, sticky note to be exact. nilagay ko sa monitor ng pc nya.

KUMEKERENGKENG KA NA NAMAN. SEE YOU AT MY OFFICE @11AM, TOGETHER WITH YOUR MONTH END REPORT, RESEARCH WORK AND YOUR VIRGINITY. OOOPPS DONT FORGET ALSO YOUR COCONUT SHELL.
-WITH ALL DUE RESPECT, BOSS MIA.

ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon nila pareho. buwahahaha.sakto magla-lunch ako ng mas maaga sa alas onse para di ko maabutan ang kalbaryo ni luchi.

at dahil pinagpala ako ng malokong utak. nagprank call ako sa isang kasama din.

hello? miss tintin, ano tong double debit na nangyari sa account ng client? mali ata ang ach mo.
ha? pano nangyari yon? magkano ba yan?
dalawang 500 dollars lang naman, kayang kaya mo bayaran.
weeeeh? di nga? (ayaw pa kuno maniwala)
oo.lumabas sa report ng accouting. lagot ka nito kay maam.
ha? pano ba nangyari? a-- an- anooo ba pangalan nung client? (this time nanginginig na sya)
ah nakalimutan ko na e. nabanggit lang kasi ni earl sa accounting department. terror pa naman yon.
naku pano yon? pano ko mababayaran yon e kelangan ko pa naman ng pera.
(pilit kong di tumawa kasi sa totoo lang nanginginig na talaga sya sa kaba)
ano bang pangalan nung nadouble debit?
ah ano.. ummm.. APRIL...
last name?
F-O-O-L...
ano?
fool.
ano na ulit?
april.
yong last name.
fool nga. ep-ow-ow-el. sulat mo kaya.
joskolord pano ba to. lagot ako kay maam nito.
(hindi pa nahahalata ng gaga)
o sya sige, kitain mo na lang yong baklitang si earl para sa excuse mo. hehehe.
salamat po kuya ah. (at nagpasalamat pa)
ok. (sabay baba ng telepono at... buwahahahahaha)

at nagsimula na akong magprank sa iba. sa mga kaibigan. dating kaklase. kumpare. kapitbahay. kakilala. at oo... ako na tong walang bait sa sarili.

Lunes, Marso 21, 2011

nang lumindol

lumindol daw kanina. kasarapan ng tulog ko. galing ako ng opisina, maagang umuwi at inatupag ang kama. oo may bago na akong trabaho. kaya busy ang lolo nyo. so yun, lumindol daw ng magnitute 5.7 daw. medyo malakas lakas na yon kung iisipin. pero wala akong kaalam alam na lumindol at niyanig ang lupang kinatitirikan ng bahay ko.

marami akong naisip na pwedeng mangyari kung magkaroon ng lindol, magpapanic lahat ng tao or worst e gumuho yong lupang kinauubabawan ng bahay ko. heto ang ilang senaryo na ayaw kung mangyari.

nakabrip akong matulog. kasarapan ng tulog ko ng magkaroon ng lindol. magugulat ako syempre at imbes na magtatataka ako kung anong nangyayari unang papasok sa isip ko e ang lumabas ng kwarto at magpapanic.magtatakbo. hindi ko maiiisip ang cartoon character kung brip, spongebob...yong nakasmile!

nasa kalagitnaan ako ng 'pagpapaligaya-sa-sarili' nang biglang lumindol. at a ng galing lang tumayming dahil ilang inches na lang e peak na, climax na. mapapasigaw ako nang di ko alam kung anong matibay na rason sa dalawa, dahil sa lindol o dahil sa kakaibang ligaya. at ang bad ko lang talaga, if ever katapusan na ng earth at sarili ko pa talaga ang inaatupag ko. nasa oras ng delubyo kung anu ano tong pinaggagawa ko.hindi ko alam kung anong unang tatakpan ko, yong pototoy ko o yong ulo ko.

same scenario din habang nasa kubeta naman ako. jumejebs. ilang ere na lang e tuluyang lalabas na. nang biglang lumindol. hindi ko maimagine, mapuputol ang landas ng wala sa oras. hahaha.

nasa kalagitnaan ako ng panonood ng porn. nang biglang lumindol. hindi ko talaga alam kung anong unang gagawin ko. hindi ko alam kung anong sites ang unang iko-close ko. dyahe naman kasi if ever magkaroon ng search and rescue tapos makikita yong computer ko na nakasindi punong puno ng tab ng pornsites.

at teka, parang lahat ng senaryo na ayokong mangyari e parang hindi maganda. at ang dumi dumi kung iisipin. assurance ko na ba ito na gagawi ako ng impyerno kesa sa heaven? nooooooo!

back to reality tayo, kung magkakaroon pala ng pagguho dahil sa lindol  habang natutulog at sa kasawiang palad e minalas ako ng konti, mamamatay pala akong walang kaalam alam. ayoko ng ganun. gusto ko aware ako. may social awareness. nagtatakbuhan na ang aking mga kapitbahay, ako ayun nakangiting sarap na sarap sa pagtulog. dyoskoporsantosantisima.

Lunes, Marso 7, 2011

ano daw nangyari?

ilang araw ko na tong nararamdaman. masahol pa sya sa libog na palagi kong kinaaayawan. Ehe! gusto ko sanang supilin kaso ang kati kati lang. mukhang susuko na ako.

ganito pala ano, hindi lahat ng oras meron ka laging tinapay na pwede mong i-offer sa iba. hindi pala lahat ng oras pwede kang magbahagi ng kapirasong kwento ng buhay mo kahit nabigyan ka na ng malawak na oportunidad para magkwento at maglibang.

hindi lahat ng oras nasa kamay mo kasi hindi porke may orasan/relo ka sa kamay hawak mo na ang oras.

kasi ano, umm..kasi sa totoo lang tinatamad na akong magblog. ewan ko lang kung contagious ba to o self replication lang tulad ng dati. nakawawalang gana lang kasi.

nitong huling araw panay ang blog hop ko. kumukuha ako ng ibat ibang ideya na pwedeng iblog, kaso yong ibang blogs na madalas kung tambayan e natitingga na rin. hiatus mode ang mga potah.

nawawala din pala ang drive mong magsulat. kelangan mong magpagasolina para umandar ulit ang naoverheat mong utak. o dili kaya magchange oil para umarangkada ulit ang blog drive.

wala akong masyadong maikwento sa ngayon. maliban sa naisipan kong magdiet at nilagang mais ang ginawa kong accessory ng kahibangan ko. dalawang araw na sunod sunod na kain ng mais. dalawang araw ding sunod sunod na nagtatae ako dahil sa pesteng mais na yan. ginawang grinder lang ang sikmura ko. mga walang hiya! pero syempre ayoko ikwento yun dahil dyahe, ano na lang sasabihin ng mga frendssssss ko.

basta, kung mangyaring napadpad ka dito at ito pa rin ang entry ko. isa lang ang ibig sabihin nun. ultimate bummer na talaga ako. me aangal?

Martes, Marso 1, 2011

masarap ang kikiam

papunta ako ng palengke kanina nang maispatan kong naglalaro si letlet sa labas ng bahay. tinawag ko sya para ayaing samahan ako. bibili ako ng gamot ko sa ubo at mauulam kinabukasan.pumayag naman sya.

habang nasa daan. may nakita akong nagtitinda ng itlog ng pugo. inaya ko syang kumain. ayaw daw nya. nung nakalimang itlog na ako, humingi sya ng isa para tikman. nakatatlong itlog na sya nang sabihin nyang masarap pala. hangang sa parehong nakalima pa kami.

after naming kumain nun, bumili ako ng buko juce. tig-isa kami. uminom naman sya. habang umiinom nakita namin yong nagtitinda ng baka baka. yong atay ng kalabaw. pero baka baka ang tawag ko dun.

tinanong ko sya kung alam nya ang tawag dun. "we call that street foods" pagpapaliwanag nya.

tinanong ko sya kung kumakain sya nun. hindi daw. nakakadiri daw tingnan. hinayaan ko na lang. kumain ako ng limang piraso.nakatingin lang sya sa akin. pinapatakam para magustuhan din nya. at di nga ako nabigo gaya kanina nagpabili din. nakalimang stick sya bago nya nasabing masarap pala.

pagkatapos naming kumain saka kami dumeretso sa mercury drug. nung nabili na namin yong gamot, dumaan muli kami sa nagtitinda ng mais. bumili ako ng tig-isa kami. saka bumili ng kikiam at fishballs. ngatngat. ngatngat. ngatngat.

pagkauwi namin, masayang nagkwento si letlet.

mama! mama! kumain kami ng street foods!
at sinong nagsabing kumain ka nun?
*inginuso ako ni letlet*
eeehhhhh uminom naman ako ng yakult kanina e,mamatay naman ang germs dun! wika ni letlet.

di na ako tumingin pa sa kanila. umakyat ako ng bahay ng dahan dahan saka tinakasan ang krimen na nasimulan.hindi ko napagtanto, bawal palang kumain si letlet nun kasi nagkasakit na sya dati sa pagkain ng fishballs.

at napagtanto ko ding napakalaking Bad Influence sa bata. Okey lang masarap naman ang kikiam. :D

at habang ginawa ko ang draft ng post na to, naririnig ko yong mag-ina, nag-aaway.

itutulad nyo ba ako sa mga taong nagugutom! napakaunfair nyo! hulaan mo kung sino nagsabi nyan.

Lunes, Pebrero 28, 2011

saan nagsimula ang sr. pedro

once upon a time, merong isang taga bantay sa isang palasyo na ang pangalan ay san pedro.
sabong ang libangan ng guwardiya-sibil na ito. pag-aalaga ng manok na tandang ang ultimate hobby nya, pangalaawa na lang ang pagpe-facebook.

sa kanilang palasyo, meron isang bahagi ng lupa na inilaan lamang kay pedro, tinwag nya yong breeding ground.

at sa breeding ground na yon lahat ng manok na hindi umabot sa standard ay rejected. iniipon at isolated sa mga good ones. nilalagay sa isang malaking truck saka ipapatapon sa isang pit. pinapatapon sa impyerno. sinusunog.

at doon nagsimula ang sr. pedro. ang lechong manok na masarap kahit walang gravy. tamaaaah!

ang alamat ng sr. pedro, bow.

Linggo, Pebrero 27, 2011

senyales

signs na tumatanda ka na.

masakit ang kasukasuan.
nahihilig sa mga bata. nakikita mo kasi sa kanila ang sarili mo nung bata ka pa.
nagiging health conscious.
nahuhumaling sa usapang politika, o anumang bagay na makapagbibigay ng opinyon.
bawal ang pork. (naknampotah)
bawal ang beans.
hinihikayat ng kapwa matatanda na umattend ng prayer meetings. (for goodness salvation???)
masyadong inu-opo. (yes po)
nanlalabo ang paningin.
laging may discount.
ibinibili ng sustagen premium.
maagang nagigising.
laging masakit ang likod.
hindi na tinitigasan...ng damdamin. (magpatawad)
gusto lagi may family reunion.
nagsisimula nang maginquire sa mga insurance.
napapatawa minsan pag may naaalalang pangyayari noong bata pa.
nahihilig nang manood ng tv. wala daw kasing entertainment package sa kabilang buhay, maliban sa sabungan ni san pedro.
mas gugustuhing nasa loob ng bahay kesa mamasyal. (totoong rason mausok. hinihika)
hindi maintindihan ang mood, minsan iritable minsan masayahin.
makakalimutan.(its a fact, and its a fuck)

oh well...

Sabado, Pebrero 26, 2011

may pag-asa pa

kagagalign ko lang ng selebraston sa edsa. wala naman akong nakitang interesanteng bagay na kukuha ng atensyon ko maliban dun sa matandang lalaking may kalong na gitara at kumakanta habang nanghihingi ng donasyon sa mga dumaraan sa overpass, yun lang.

naisip ko ilang edsa revolution na kaya ang natunghayan at nasaksihan ng matandang to. at naramdaman ba nya ang pagbabago na hinangad ng mga naki-edsa? may nagbago ba sa buhay nya? kung meron man bakit ganun, nanlilimos pa rin sya?

kanina, ginawang komersyalismo ang selebrasyon. nandyan ang mga nagtitinda ng kung anu-ano, mula sa pagkain hanggang sa anik anik na pansabit sa telepono. nandyan yong nagbibigay ng flyer ng condo. nandyan yong kwek kwek, itlog, balut, pinoy este penoy at mani.

ewan.

pero kahit papaano, biglang nagbalik sa akin ang alaala ng edsa revolution 1. bigla kong naramdaman muli na isa akong pilipino sa hirap at ginhawa. nagnanais pa rin ako ng pagbabago.

may pag-asa pa naman di ba? hanggat nabubuhay yong matandang kumakanta ng bayan ko. hanggat may espasyo pa ng barya sa kanyang lata, may pag-asa pa. hanggat kuba pa syang nabubuhay, may pag-asa pa. ganun din ang pilipinas, at ang pilipino, may pag-asa.

Miyerkules, Pebrero 23, 2011

wrong sent

nagpaload ako kanina. pumunta sa malapit na tindahan. at sa lahat naman talaga ng panahon, naitadhana pang nakasimangot at masungit si ate tilda.

ate paload ho.
(hindi sumasagot, abala sa pagtetext habang kusot ang noo)
ate paload ho, globe at smart. pag-uulit ko.
pakisulat na lang dyan sa papel.magkano? (pasigaw nyang sabi)
terti terti ho. (sabay sulat sa papel ang numero)

wala ata sa mood si ate, pilit kong inunawa kasi baka may regla lang yong matanda. nasa edad singkwenta na nga pala sya. pahabol kumbaga. hahaha

nagbayad na ako saka umalis. nagtataka lang talaga ako kung bakit ganoon na lamang ang mood nya, samantalang pag nakikita ko sya masayahing matanda. laging nakangiti kahit tatlo na lang ang iping natitira.

maya maya lang nakatanggap ako ng text...

WAG KANG MAG-ALALA PINADISPATYA KO NA.SIGURADONG PATAY YUN.

wrong sent! nagulat ako sa nabasa ko. maliban sa barkada ko iilan lang ang nakakaalam ng number ko. mas may silbi pa nga ang email sa akin kesa sa telepono. kaya malaking pinagtataka ko lang kung kanino galing ang text na yon. malakas ang kutob ko kay aling tilda galing yun.

ang tanong, tama lang bang hindi ko reply-an ang text, hindi ba kabastusan yun? gusto ko sanang sabihing...ChUReEH PoWH,,,WRoNgH ChEnt Fuh KaUyOw. T.T

Lunes, Pebrero 21, 2011

maligayang bati

bago ako grumdaweyt sa highschool nagkaroon muna ng bonding ang barkada. isa pa birthday ng isa naming kabarkada. apat lang kaming nagpakasasa sa alak nung time na yon. wala yong iba, nagpakabanal.

ang venue sa bahay ng isang kabarkada din. at ang kwento, magsisimula dito.

itago na lang natin ang bida sa pangalang lito. hindi kasing vocal katulad namin tong si lito. pero may angkin syang talino, inshort kinuha namin  sya para maging brainy sa grupo.

one time, napagdiskitahan naming manood ng porn sa bahay nila lito. ang alam naming tahimik at refined na si lito e marami palang kabalbalan na koleksyon ng betamax. mga classic porn. nagulat kami. tinaob ang SALAT part 2.

out of curiosity (again) nanonood kami. akala namin yong isang barkada namin ang bihasa sa ganitong bagay, di pala dahil maliban sa pagiging academically inclined nitong si lito e ganun din pala pagdating sa kababuyan. hahaha.

habang nanonood kami. since mga bata nga, hindi ko mapigilang kabahan. totoo wala ako sa konsentrasyong manood. natatakot kasi ako baka mahuli kami, isumbong ako sa tatay ko. naiihi akong ewan. at panay ang tingin ko sa pinto.

My heart beats like a drum like a drum
Dam dam dam dam dam dam
And my feet step the beats like a drum
Dam dam dam dam dam dam


My heart beats like a drum like a drum
Dam dam dam dam dam dam
And my feet step the beats like a drum
Dam dam dam dam dam dam




si lito kampante. walang kaabog abog na kabang nararamdaman.

fast forward. medyo lasing na kami kaya tinigil na din naming manood. isa pa, baka maabutan kami sa ganoong eksena ng magulang ni lito, malaking eskandalo. groggy na ako that time. ganun din yong dalawa kong kasama, si lito--- kampante, at mukhang di tinatablahan ng espiritu ng alak.

fast forward ulit. naligpit na namin ang kalat. nagayos ng sarili at handa ng matulog.

more more fast forward. nagising na lang ako na umuuga ang kama. king size ang kama. lahat kami dun nahiga. kasya ang apat na kabataang lalaki.

lumilindol lumilindol! sabay sabay naming bulalas. pagbukas ng ilaw. nakita namin si lito, may ginagawang milagro.

at sabay sabay kaming kumunta sa kanya ng...

maligayang bati...
maligayang bati...
maligayang maligyang...
maligayang bati.

kung nasan ka man ngayon pareng lito, happy birthday tol. hintayin mo na lang ang barkada dyan sa kinalalagyan mo. maraming salamat sa tunay na samahan. ihanda mo na lang ang mesa at upuan dyan, kuntodo inuman ang magaganap pag buo na ang barkada, kahit gawin pa nating tanggero si lucifer nyan!

Linggo, Pebrero 20, 2011

nagkabanggaan


ser! ser! ser! patakbong papunta sa akin si manang, dala ang isang balita.

yong train! yong train nagkabanggaan! ang tanga tanga ng driver di man lang nakita yong kasalubong.

ha? alin ba? pausisa kong tanong.

sabi kasi sa radio may nagkabanggan daw na train dyan sa may north edsa. ang bobo bobo ng driver!

pano mo nasabi?

kasi nga hindi nakita yong paparating na train? o kaya nakatulog yong driver, o kaya adik yong driver.

sure ka bang ganun nga ang nangyari?

ewan, di ko pinatapos yong balita e. sinabihan kasi kita agad ser. (at ako pa talaga ang may kasalanan hahaha)

ano ka ba malabong magkaroon ng train na magkasalubong ang landas.kung adik man yun o nakatulog, hindi ko alam.

ganun po ba.

oo, balikan mo yong radyo mo para kompleto ang ibabalita mo.

(bumalik si manang sa kusina, nagkakamot ng ulo)

si manang talaga, gumagawa ng sariling bersyon ng istorya.pero sa tingin mo adik kaya yong driver? lols

Biyernes, Pebrero 18, 2011

droga

namumutakti sa balita ang pagbitay ng tatlong pinoy sa tsina. nagkasala di-umano ang mga pinoy na ito dahil sa drug trafficking.

drug. isang napakatandang problema ng ating lipunan. binata pa lang ang tatay ko meron na yan, hangang sa magbinata at tumanda ako iyan at iyan pa rin ang problema. nasosulosyunan ba? hindi.

ang totoo nyan, hindi naman talaga ang droga ang talagang ginagamit e. kundi yong lahat ng mga taong sangkot din. oo lahat. as in lahat. mula drug lord hangang sa user. lahat sila naggagamitan. ginagamit ang kakayahan, kahinaan at katangahan ng bawat isa. sinong naadik? sinong yumayaman? sinong nabubuang? sinong nakukulong? sinong narerhab? sinong namamatay? sila!

natatawa na lang ako sa gobyerno natin, kung kelan malapit nang mabitay ang mga kaawa-awang pinoy saka nagkakarambulan para masolusyunan which in fact sila naman talaga ang dapat sisihin sa lahat ng to.

bakit?

una, hindi magnanais ang mga pilipinong yon kung may magandang buhay sila dito sa pilipinas. hindi sila aalis ng kanilang bansa para maghanap ng pera para ipambili ng ipanglalamon sa pamilya nila. hindi sila magdadalawang isip para gawin ang kasalanan na dapat matagal nang nasosolusyunan ng ating gobyerno. hindi dapat mangyari ang itinakdang mangyayari.

bakit ulit?

isipin mo, kung walang kurap sa gobyerno, kung walang buwaya, kung walang mga halimaw at ganid sa malalamig na opisina. hindi maghihirap ang ating bansa. hindi maghihirap ang bawat pilipino. hindi.

at kung meron konkretong pundasyon ang gobyerno para sa pagsupil ng kurapsyon, mawawala mga yan. ang kaso mo, may nababayaran at nabibili ng pera. nakakawalang respeto ang mga tulad nila.

at kung matuloy man ang bitay ng tatlong pinoy, isa lang talaga ang dapat kong sisihin... ang gobyerno.

hmp. putragis nahahayblad lang ako!

Huwebes, Pebrero 17, 2011

kababalaghan sa mrt

isa akong salarin pagdating sa ututan. bata pa lang ako taglay ko na ang dambuhalang blower sa aking tyan, isang nakagigimbal na sumpa. fucking genes?

dalawang klase ng utot ang meron ako. depende sa panahon, depende sa kinain at depende sa itinakda ng tadhana. 

meet utut and etet!

utut! (may conviction sa pagbigkas) malakas na pagsabog pero walang masyadong casualty ang hatid. noice pollution kung maituturing. walang amoy na masasamyo, kung meron man banayad lang sa damit parang downy. subalit hindi nababagay sa mga formal occasions, nagdudulot ng matinding kahihiyan sa tao lalo na sa mga kliyente

etet, utot na mahina as in sobrang hina pero makamandag ang amoy. or pwedeng iniipit ipit mo sya. may effort. nagmamantsa sa damit, kelangan pa ng pinagsamang ariel at zonrox para mawala. hindi nababagay sa mataong lugar. masyadong mabangis.

they were both my angels of demons; at all times when i have to proclaim for my relief  for goodness! 

to make it short, utotin ako!

one time i went to sm north and the only transportation that i could rely on was MRT. forget the siksikan! makarating lang ako on time ( i had a meeting with a client). the last time na sumakay ako ng train dito sa pinas e sa LRT pa at token pa ang gamit, yong mukhang sampung piso ngayon. kaya nahirapan akong isuksok yong card na sa makinang kumakain ng tanga. kelangan pala ng matinding konsentrasyon ampotah.

jumppack ang drama ng potang inang train, parang ayaw magpasakay. konti na lang magkakapalitan na kayo ng pagmumukha. may kaharap ako, isang lalaking pinaglaruan ang foundation sa mukha partida nakabestida si kuya. at kung sya man ang makakapalit ko ng mukha, wag na. pasagasaan na lang ako sa train mabuti pa.

nasa elevator pa lang ako ng shaw boulevard e nauutot na ako. at potang inang elevator na yan ang tagal bumakas. nananadya. ang tindi ng pawis ko dun, nauutot na nga ako claustrophobic pa. hows that?

nasa ortigas station na ang train nang maramdaman kong hindi ito tatagal. may kung anong hangin ang gustong kumawala. iniisip ko kung si etet ba o kung si utot. pero wala sa dalawa ang gusto kong umeksena kundi matinding iskandalo ito. jumppack, aircon, confined at kulob? kumusta naman ang ventilation, hello?

nakahawak ako sa pole habang tumatakbo ang mrt. nag-iisip ako ng happy thougts para madivert yong concentration ko sa pagutot. iniisip kong nagpo-pole dancing ako sa loob ng mrt train, na ako lang ang tao pero maraming camera, ang weird lang pero gusto ko lang talaga patawanin ang sarili ko. happy thoughts! happy thoughts! happy thoughts! happy...teeeeeeeeettttttttttttt...

patay! si etet ang lumabas. lumingon ako isang mama ang nakaupo sa likod ko, natutulog. maya maya kumunot ang noo. saka nagtakip ng ilong saglit. tumingala. patay malisya ako. nakatitig pa rin sa akin ang lalaki. kunyari tumitingin naman ako sa billboard...interesado kuno sa gatas na nido. bumaling ang tingin ng lalaki sa katabi kong binata. nagkasulubong sila ng tingin. muli...patay malisya ako.

wala akong naamoy, ibig sabihin hindi ganun katindi ang ipinamalas na bagsik nitong si etet. nangiti ako. pero alam ko maya maya lang susugod muli sya, hindi ko lang alam kong mas matindi o matabang pa rin ang timpla. 

lumipat na ako ng pwesto nung magbabaan ang mga tao sa cubao station. lumipat ako sa kabilang dako para mas malapit na ako sa pinto. inaalala ko baka kasi sa tulak gumanti ang mamang naututan ko. 

kaharap ko na ang mama, hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. ang sama kong nilalang. walang pakundangang gumawa ng krimeng nagmamaangmaangan. sinilip ko ang lalaki. wala na ang kunot noong ekspresyon sa mukha, tanda na nahimasmasan na rin sya. pasensya na.

nilabas ko ang telepono ko, kukunan ko ng picture, remembrance kako. klik! 

at ito ang aking naging biktima, si kuya.





at talagang tumitingin pa talaga sya. walang personalan tol, nautot lang. again, pasensya.

Miyerkules, Pebrero 16, 2011

malikhaing pag-iisip...

dear poks,

majejebs ka pa ba pag ganitong toilet bowl ang bubungad sa yo?


parang di ko kayang umere pag nasa ganyang sitwasyon ako mahihiya masyado ang sphincter ko.

ps: may sakit ako ngayon kaya kung anu ano na lang ang naiisipan kong ipost. ginagamit ko lang naman ang malikhain kong pag-iisip. pasensya.

sincerely, 
mang poldo