Martes, Disyembre 14, 2010

the tale of forsaken salawal

kahapon nalasing na naman ako. whats new? pero iba tong kalasing ko kahapon. nagrent kami ng isang swimming pool sa valenzuela kasama ang barkada.nagkasayahan kaming magkita kita.umaapaw na inuman at gabundok na pulutan.kaya hindi nakapagtatakang hindi kami malasing nang halos kainuman lang si kamatayan.

eto na.nung nararamdaman ko na ang sipa ng redhorse medyo huminay hinay na ako.alam ko kasi na pag ganun senaryo na bumabaliktad ang sikmura ko.medyo umiikot na rin ang mundo ko.at ilang sandali pa lang ayun na.lasing na ako.maging ang mga kasamahan ko.

nakakatuwang isipin na pag lasing kami e may sense ang usapan.nagiging melodramatic ang moment.at nagiging melancholic ang ilan.nailalabas namin mga problema namin sa buhay.tangena pare hindi na tumatayo junyor ko.kung anu ano na nga gamot iniinom ko.tangenang junyor yan buti nga yan lang pinoproblema mo ako yong misis ko may iba nang junyor.anakngteteng bakit puro junyor ang usapan mga bakla ba kayo? pero tangena mga tol si junior ko,oo yong kaisaisa kong lalaki bakla ampotah.ilublob mo sa dram pre.ginawa ko na yan nagmumukha lang serena atsaka naaawa na ako kaya pinabayaan ko na lang kung ano gusto nya.mga tol simple lang yang mga problemang yan ako nga iniisip ko kung saan ako pupulutin bukas pag nalaman nilang nalulugi yong kompanya ko.pakamatay na lang kaya ako?gagu bakit hindi pa ngayon?tahimik lang ako.nahihiya akong i-share yong problema ko--najejebs ako.ganun ako pag nalalasing.

ewan ko ba.basta pag nakainom ako ng beer humihina ang kapasidad ng digestion ko.lagi akong natatae.pinagpapawisan na ako nun ng malagkit habang ang usapan ay painit ng painit,ako sa isang sulok namimilipit.

sa gitna ng kasiyahan bigla akong umeksit.hanap ako ng kubetang malapit.takte di ko na mapigilan.di na rin kaya ng sphincter muscle ko.shet.medyo bumibilis na ang paglalakad ko.pagiwang giwang pa.di ko na kaya.nang may nakita akong kubeta agad agad akong pumasok.ayos.

pagupo ko.pak!ilang sandali ding pigil ang aking hininga.pak. umph. ito yong pinakamasarap na bahagi ng buhay mo yong makaraos ka sa sigalot na nararamdaman mo.ito yun.pramis.

ilang minuto lang natapos na ako.pero pak! walang tubig. pak! walang tissue. pak! wala kahit anong papel.patay! at ito ang problema ko.panu ako maghuhugas ng wetpaks ko.

And I could say…adieu.

In memories of white bikini brief.

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

o eh anong ginagawa ng napakalaking swimming pool? :p